Walang Hanggan Adbiyentong Pangpamilya, Linggo 1Halimbawa

“Ang kagandahan ay magliligtas sa mundo.”—Fyodor Dostoyevsky
Naranasan mo na bang mabigo na gusto mong gawin ang isang bagay na nakita mong nakakagulat sa masamang paraan? Tulad ng pagsigaw o paghagis ng kung ano? Ang buhay ay may ilang mga sandali na sadyang nakakatakot. Minsan nakakatuksong magkaroon ng negatibong saloobin.
Ngunit malamang na totoo RIN na mayroon ka ring naging pagkakataon na nasa bad mood at ang isang kaibigan o kapatid ay gumawa ng isang bagay na nakapagpatawa sa iyo at nakaramdaman ka ng isang-POOF at nawala na ang mainit at itim na ulap. Pinakamasarap ang mga sandaling iyon.
Hindi natin mapipigilan ang lahat ng masasamang nangyayari sa buhay, ngunit MAAARI nating dalhin ang kagandahan sa mundo. Tulad ni Jesus na naparito sa lupa at nagdala ng pag-ibig, kabaitan, pagiging bukas, at kagalakan, maaari tayong magdala ng kagandahan sa mundo. Habang mas tinatanggap natin si Jesus sa ating mga puso at buhay, mas nagsisimula tayong maging katulad Niya.
Ano ang ilang bagay tungkol sa iyo na nagdudulot ng kagandahan sa mundo? Nakakatawa ka ba? Mabait ang kalooban? Maalalahanin? Matulungin? Nagpapalakas ng loob? Matapang? Mausisa? Masigasig? Marahil ikaw ang tumulong sa isang kaibigan upang alisin ang kanilang mga pagkasungit!
Tulad ng sanggol na si Jesus ay isang regalo ng Pasko sa mundo, nagdadala ng kagandahan kasama Niya, IKAW ang nagdadala ng kagandahan sa mundo.
Anong bahagi ng iyong pagkatao ang maaari mong sikaping dalhin sa mundo ngayon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Puno tayo ng pag-asam habang nalalapit tayo sa panahon ng pagdiriwang na ito na may layuning tumutok sa puso ng Diyos. Samahan kami sa loob ng 4 na linggo habang ating: Masdan ang Kagandahan, Basagin ang mga Harang, Gumawa ng Puwang, at Magulat sa Diyos. Tulad ng lahat ng pinakamahusay na bagay sa buhay, ang paglalakbay na ito ay pinakamahusay na gawin kasama ang iba—kaya magdala ng isang kaibigan o dalawa nang may paghanga at pumasok sa Panahon ng Adbiyento.
More
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Sa Paghihirap…

Mag One-on-One with God

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Nagsasalita Siya Sa Atin
