Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Muling Pagtuklas sa KapaskuhanHalimbawa

Rediscovering the Christmas Season

ARAW 17 NG 25

Mag-ampon ng isang Pamilya

Paglalantad: Basahin ang talata tungkol sa kung paano tayo ay inampon bilang mga anak ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Maraming mga tao ang umaampon ng isang pamilya upang tumulong tuwing Pasko. Maghanap ng isang tao na nangangailangan ng pamily ngayong Pasko at gumawa ng mga plano para maging pamilya para sa kanila.

Pagtuklas: Ano ang pagkakaiba ng pag-aampon ng isang pamilya upang makatulong sa Pasko at literal na pag-aampon ng bata sa inyong pamilya? Ano ang ipinahihiwatig ng wikang ito tungkol sa pangako ng Diyos na tayo ay mamahalin?

Pagpapahayag: Anong mga karapatan at pribilehiyo mayroon ang mga anak ng maharlika? Ano ang ilan sa mga paraan na ikaw ay hindi ganap na namumuhay na parang anak ng Diyos?

Karanasan: Humanap ng isang tao na inampon at kausapin sila kung ano ang kahulugan nito sa kanilang buhay. Itala kung ano ang ipinahahayag ng kanilang mga karanasan sa iyo tungkol sa pamumuhay bilang isang anak ng Diyos at minamahal sa ganoon ding paraan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Rediscovering the Christmas Season

Magsimula ng isang bagong tradisyon ng Pasko na may hindi tradisyonal na twist sa panahon ng Adbiyento. Ang tamang-tamang petsa para simulan ang kaugalian na ito ay Disyembre 1, samantalang ang mas maagang pagsisimula ay magbibigay nang mas nakakarelaks na bilis. Isama ang mga tanong para sa pagninilay at mga hakbanging kailangang gawin upang ang bawat araw ay nakasentro kay Cristo. Mahusay para sa mga individwal, pamilya o maliliit na grupo.

More

Nais naming pasalamatan ang LifeChurch para sa kanilang pagbibigay balangkas para sa -Muling Pagtuklas sa Kapaskuhan. Para malaman ang higit pa tungkol sa LifeChurch, bisitahin ang kanilang website sa www.life.church