Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nabagong Pamumuhay: Bilang Isang Solong InaHalimbawa

Living Changed: As a Single Mom

ARAW 5 NG 6

Layunin

Kung ikaw ay parang ako, sigurado ako na nasabi mo na ito sa iyong sarili: “Nanaylang ako.” Iyan ang eksaktong naramdaman ko nang bigla akong nag-iisang tagapag-alaga ng tatlong maliliit na bata. Ako ay isang nagsisimula pa lamang na freelance writer na naghahanap upang palawakin ang aking karera nang ang diborsiyo at ang pagbagsak ng ekonomiya ay nagpatigil sa lahat ng ito. Masigasig ako sa pagbabahagi ng mga kuwento ng mga tao sa pamamagitan ng pagsusulat at nakaramdam ako ng matinding kalungkutan nang ang pangarap na iyon ay naisantabi nang walang katiyakan. Nang ang pagiging ina ay naging solong gawain, naisantabi lahat ang aking mga hilig. 

Sa gitna ng pagsisikap sa araw-araw at pagharap sa aking kalungkutan, mahirap makita na may layunin ang lahat ng ito. Gayunpaman, habang naglalaan ako ng mas maraming oras sa aking simbahan, pumayag sa paglilingkod, at sumali sa isang maliit na grupo ng iba pang mga solong ina, nagsimula kong makita na ang Diyos ay nagbigay sa akin ng mga kakayahan para sa pamumuno at pagpapastor. Ang kaisipang napakaraming mga solong ina ang nangangailangan ng suporta at panghihikayat ay nagsimulang kumatok sa aking puso, kaya hiniling ko sa Diyos na gamitin ako.

Una, kailangan kong kilalanin na walang tinatawag na simpleng ina lamang. Ang pagiging ina ay isang mahirap at banal na tungkulin. Ang ating mga pamilya ang ating unang ministeryo, at tayo ay may pribilehiyong palakihin ang mga anak na makilala at mahalin ang Diyos. Maaaring tila hindi ito isang pagtawag ngayon. Sa katunayan, maaaring parang isang pasanin ito na hindi patas na inilagay sa iyong mga balikat. Ngunit ibinigay ng Diyos ang iyong mga anak sa iyo, at talagang mahusay Siya sa pagtatapos ng Kanyang mga sinimulan. Napapaligiran ng mapagmahal na komunidad ng pananampalataya, at mga kaibigan, ang aking mga anak ay umunlad sa kabila ng aking mga pagkakamali at maling hakbang. May malaking layunin sa paglalakbay na ito bilang solong ina.

 Hindi ka nakalimutan ng Diyos ni ang mga pangarap at regalong ipinagkaloob Niya sa iyo. Mahilig ka man sa edukasyon, paglilingkod, sining, pamamalakad sa sarili mong negosyo, o sa pagsusulat ng isang aklat, tanungin ang Diyos kung ano ang nais Niyang gawin sa kung ano ang mayroon ka. Kung hindi ka sigurado kung ano ang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, hilingin sa Kanya na ihayag ito sa iyo. Isipin ang tungkol sa kung ano ang magpapagaan sa iyo, kung ano ang nagdudulot sa iyo ng kagalakan, at nakakapagpasaya sa iyong puso. Ito ang iyong opisyal na imbitasyon upang matuklasan ang iyong layunin!

Paninoon, salamat na nilikha Mo ako na may natatanging mga kakayahan at isang tiyak na layunin. Tulungan Mo akong yakapin ang aking tungkulin bilang isang ina at parangalan Ka sa pamamagitan nito, lalo na kapag mahirap. Habang dinadalisay at pinauunlad Mo ako upang maging isang ganap na tapat na tagasunod ni Cristo, bigyan Mo ako ng lakas ng loob na tuklasin ang aking layunin at ganap na hakbangan ito. Amen.

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: As a Single Mom

Ang trabaho ng isang solong ina ay mahirap at kung minsan ay malungkot, ngunit ito rin ang pinakamahalagang papel na gagampanan mo. Ang totoo niyan, pinili at kinasangkapan ka ng Diyos para pamunuan ang iyong pamilya. Sa anim na araw na gabay na ito, matutuklasan mo ang mga mapagkukunan at ang banal na kasulatan na magpapagaling sa iyong nakaraan, makahihikayat sa iyong kasalukuyan, at makakatagpo ka ng pag-asa para sa iyong hinaharap.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.changedokc.com