Nabagong Pamumuhay: Bilang Isang Solong InaHalimbawa

Realidad
Sa lahat ng mga solong ina na kilala ko, wala akong alam na sinuman na naisip na makakabilang sila rito—kabilang na ako. Kung pinangarap nating magkaroon ng sariling pamilya, tiyak na hindi natin naisip na gagawin natin ito nang mag-isa. Ano man ang naging sitwasyon kung paano tayo umabot sa pagiging solong ina, mahirap ito.
Nagsimula ang aking paglalakbay bilang isang solong ina nang ang aking asawa ng halos 10 taon ay biglang umalis at lumipat sa labas ng bayan. Kasama ang dalawang maliliit na bata at ang isa ay paparating pa, nakaramdam ako ng takot at kawalan ng pag-asa na harapin ang katotohanan na ako ay magpapalaki sa mga batang ito nang mag-isa. Sa unang taon na iyon, lumipas ang aking mga araw na tila ako'y nasa isang ulap ng kalungkutan, kumikilos lamang dahil kinakailangan. Nagawa kong pakainin at bihisan ang mga bata habang umiiyak ako sa pagtulog halos gabi-gabi.
Ang lahat ay tila isang pakikipaglaban—emosyonal, pisikal, pinansyal, at espirituwal. Ang dami kong tanong at sobrang galit. Bakit naiwan akong mag-isa para harapin ito? Nakita ba ako ng Diyos? Higit sa lahat, iniisip ko kung ano ang mangyayari sa akin at sa aking mga anak. Magiging maayos ba kami?
Kung nararanasan mo ganitong mga damdamin at nagtatanong ka ng mga ganitong tanong din, nais kong malaman mo na may pag-asa para sa iyo at sa iyong pamilya dahil may pag-asa kay Jesus. Nakikita ka ng Diyos, at lubos Siyang nagmamalasakit sa iyo at sa iyong mga anak. Habang ang mga damdamin ng kalungkutan, pagkabigo, at pagkahapo ay totoo, gayundin ang Diyos na lumikha sa iyo. Binigyan ka Niya ng kakayahan para sa paglalakbay na ito.
Jesus, humihingi ako sa Iyo ng tulong at pag-asa. Bagama't nararamdaman kong nag-iisa ako, nagpapasalamat ako na lagi Kitang kasama at para sa akin Ka. Tulungan Mo akong makita kung saan Ka gumagawa sa aking sitwasyon at maniwala na maganda ang Iyong mga plano para sa akin. Nais kong higit pang magtiwala sa Iyo. Dagdagan Mo ang aking pananampalataya! Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang trabaho ng isang solong ina ay mahirap at kung minsan ay malungkot, ngunit ito rin ang pinakamahalagang papel na gagampanan mo. Ang totoo niyan, pinili at kinasangkapan ka ng Diyos para pamunuan ang iyong pamilya. Sa anim na araw na gabay na ito, matutuklasan mo ang mga mapagkukunan at ang banal na kasulatan na magpapagaling sa iyong nakaraan, makahihikayat sa iyong kasalukuyan, at makakatagpo ka ng pag-asa para sa iyong hinaharap.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Kahariang Bali-baliktad

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

Prayer

Masayahin ang ating Panginoon

Sa Paghihirap…

Mag One-on-One with God

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo
