Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nabagong Pamumuhay: Bilang Isang Solong InaHalimbawa

Living Changed: As a Single Mom

ARAW 3 NG 6

Pagpapatawad

Bagaman ito ang pundasyon ng ating pananampalataya bilang mga tagasunod ni Cristo, sa palagay ko'y alam ni Jesus na tayo'y mahihirapan sa pagpapatawad. Tayo ay higit na katulad ni Cristo kapag tayo ay nagpapatawad sa iba, dahil kadalasang hinihiling nito sa atin na isuko ang ating mga damdamin at piliin ang Kanyang kalooban kaysa sa ating mga sarili. Si Cristo ay naging, Siya, at laging magiging pangunahing Tagapatawad.

Sa kabila ng pagkaalam ko sa lahat ng ito, pagdating sa pagpapatawad sa ama ng aking mga anak pagtatapos kaming iwanang mag-iina, hindi ako handang magpatawad. Bagaman sinasabi kong pinatawad ko na siya, ang aking puso ay puno ng poot at puno ng kapaitan. Hindi ko mahanap ang isang mabuting bagay na masasabi tungkol sa kaniya, ngunit mayroon akong isang buong aklat ng mga insulto at mga salitang laban sa kanya. Sa bawat pakikipag-uusap ko sa kanya, ako'y lumalaban at inaasahang mag-aaway kami. Ito ay hindi nakakagulat dahil ito ang karaniwang nangyayari.

 Sa pakiramdam ko ay may pananagutan siya sa akin, ngunit kahit gaano man ang aking sakit at galit, ako'y malungkot. Ito'y isang walang-katapusang labanan kung saan ako'y natatalo sa bawat araw. Ang aking paghahangad na saktan siya ay nagdudulot din ng sakit sa akin.

Nang sa wakas ay inanyayahan ko ang Diyos sa aking sakit, naunawaan ko na ito'y tinatawag na kapatawaran sapagkat ito'y para ibigay ko sa Diyos. Nakatulong sa aking pag-unawa na sa pamamagitan ng pagpapatawad sa aking dating asawa, hindi ko pinahihintulutan ang kanyang gawain, at hindi ko rin hinahayaang tratuhin akong parang basahan. Kinikilala ko 1) kung sino ang Diyos, at na hindi ako Siya, at 2) na si Jesus ay hindi lamang nagmungkahi na patawarin natin ang iba, Siya ay nag-uutos nito.

 Kung sino mang kailangan mong patawarin—ang asawa mong umalis, ang taong nagsabi na tutulong siya ngunit hindi, o marahil kahit na ang iyong sarili—panahon na. Nais ng Diyos na gumawa ng bagong bagay sa iyong buhay, at ang pagsuko sa sakit ng loob, galit, at pighati ay isang mahalagang hakbang. Ang kalayaan at kagalakan ay naghihintay sa kabilang panig ng kapatawaran.  

Jesus, salamat sa iyong kapatawaran at sa iyong biyaya. Ikaw ang naging halimbawa sa pagpapatawad sa lahat ng aking kasalanan, upang ako'y magkaroon ng kaugnayan sa Iyo. Ako ay nasasaktan at ang pagpapatawad ay napakahirap. Mangyaring buksan ang aking puso upang malayang magpatawad, at magkaroon ng awa para sa iba habang tinatanggap ko ang Iyong kamangha-manghang pagpapala. Tulungan Mo akong higit na magtiwala sa Iyo at magpahinga sa pagkaalam na Ikaw ay makatarungan, kahit na kapag ang buhay ay tila hindi makatarungan. Mahal kita, Jesus. Amen.

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: As a Single Mom

Ang trabaho ng isang solong ina ay mahirap at kung minsan ay malungkot, ngunit ito rin ang pinakamahalagang papel na gagampanan mo. Ang totoo niyan, pinili at kinasangkapan ka ng Diyos para pamunuan ang iyong pamilya. Sa anim na araw na gabay na ito, matutuklasan mo ang mga mapagkukunan at ang banal na kasulatan na magpapagaling sa iyong nakaraan, makahihikayat sa iyong kasalukuyan, at makakatagpo ka ng pag-asa para sa iyong hinaharap.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.changedokc.com