Nabagong Pamumuhay: Bilang Isang Solong InaHalimbawa

Pagkakakilanlan
Gusto man natin o hindi, lahat tayo ay may mga tatak: bilang kaibigan, anak, at katrabaho. Para sa mga babaeng nag-iisang nagpapalaki ng mga anak, isinusuot din natin ang tatak ng pagiging solong ina. Ang ilan ay nagsusuot nito na parang marka ng karangalan at ipinagsisigawan, “Mananalo ako!” Para sa ilan, ito ay parang isang mabigat at hindi gustong tatak na ipinagpilitan sa kanila. Para naman sa iba, isa lamang ito sa maraming sumbrero na isinusuot sa larangan ng buhay.
Paano mo man isuot ang tatak bilang solong ina, hindi naman ito ang nagtatakda kung sino kang talaga. Oo, ikaw ay isang inang walang kasamang asawa sa pagpapalaki ng mga anak, ngunit upang bawasan ang kabuuan ng iyong kamangha-manghang sarili bilang isang solong ina lamang ay hindi nagbibigay sa iyo ng hustisya.
Bilang mga tagasunod ni Cristo, inaanyayahan tayo ni Jesus na hanapin ang ating pagkakakilanlan sa Kanya. Sinabi Niya na tayo ay kapwa tagamana, ginawa ayon sa Kanyang larawan, maganda at kamangha-manghang ginawa, tinubos, at kaibigan Niya. Ilan lang 'yan sa pagkakakilanlan mo! Ang gustung-gusto ko sa sinasabi ng Diyos ayon sa Kanyang Salita na pagkakakilanlan natin ay ang katotohanang walang kinalaman dito ang ating mga kalagayan—sa nakaraan o sa kasalukuyan. Ang ating pagkakakilanlan, kapag nakaugat nang matatag sa Kanya, ay nagpapahintulot sa atin na parangalan at luwalhatiin ang Diyos, at maranasan ang kagalakan anuman ang nangyayari sa ating buhay.
Nangangahulugan ito na hindi ko kailangang maging supermom o maging isang biktima. Ang iyong pagkakakilanlan ay hindi kailangang nakatali sa kung ano ang iyong nagawa, ang iyong katayuan sa relasyon, o ang kakulangan nito!Ang paghahanap ng iyong pagkakakilanlan kay Cristo ay nagpapalaya sa iyo na maging ikaw habang taglay mo ang Kanyang imahe para makita ng buong mundo.
O Diyos, salamat dahil anuman ang mangyari sa aking buhay, o ano pa man ang aking kalagayan, Ikaw ay Ikaw, kahapon, ngayon, at bukas. Jesus, tulungan Mo akong mahanap ang aking pagkakakilanlan sa Iyo. Tulungan akong maniwala na ako ay ganap na Iyo, at palayain ako mula sa paghahambing, pagsusumikap na makapantay sa iba, at sa pagsubok na punan ang mga kakulangan ng anuman maliban sa Iyo. Mahal kita Jesus! Gusto kong mas maging katulad Mo! Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang trabaho ng isang solong ina ay mahirap at kung minsan ay malungkot, ngunit ito rin ang pinakamahalagang papel na gagampanan mo. Ang totoo niyan, pinili at kinasangkapan ka ng Diyos para pamunuan ang iyong pamilya. Sa anim na araw na gabay na ito, matutuklasan mo ang mga mapagkukunan at ang banal na kasulatan na magpapagaling sa iyong nakaraan, makahihikayat sa iyong kasalukuyan, at makakatagpo ka ng pag-asa para sa iyong hinaharap.
More