Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Battlefield of the Mind Devotional (Filipino)Halimbawa

Battlefield of the Mind Devotional

ARAW 4 NG 14

Huwag Susuko



Dalawampu't tatlong taon na akong Cristiano," sabi ni Cheryl. "Parang wala akong pinupuntahan. Kasing-hina pa rin ako nang una kong tanggapin si Cristo bilang Tagapagligtas. Nabibigo pa rin ako. Hindi ko alam kung may halaga pa talaga ito." Tumulo ang mga luha sa kanyang mga pisngi habang ikinukuwento ang kanyang mga kabiguan. "Alam ko na ang mga tamang gawin, ngunit hindi ko ginagawa ang mga ito. Minsan sinasadya kong gumawa ng mga bagay na mapaminsala o masakit. Anong klaseng Cristiano ako?"



"Marahil ay isang Cristianong lumalago," ang aking sagot.



Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha ni Cheryl. "Lumalago? Narinig mo ba--? "



"Oo, narinig ko. Kasi kung hindi ka lumalago, hindi mo ikalulungkot ang mga kabiguan mo. Masisyahan ka na sa iyong espitituwal na kalagayan o sasabihin sa iyong sarili kung paanong napakabuti mo."



"Ngunit talagang pinanghihinaan ako ng loob, at napakadalas kong biguin ang Diyos."



Sumang-ayon ako kay Cheryl–talagang siya ay nabigo. Lahat tayo ay ganoon din. Kung hindi tayo mag-iingat, magpapatuloy ang diyablo na isumbat sa atin ang mga bagay na hindi pa natin nagagawa at kung saan tayo mahina. Kapag nangyayari ito, madali na sumasama ang ating loob o makaisip na sumuko nalang.



Hindi ito ang paraan ng Espiritu Santo. Gaano man tayo magkamali sa ating buhay, hindi tayo sinusukuan ng Diyos. Patuloy tayong hinihimok ng Espiritu Santo.



Maaari nating hayaan ang ating mga isipan na matuon sa mga hindi pa natin nagagawa o sa kung nasaan na dapat tayo sa ating buhay Cristiano pagkatapos ng maraming taon. Ngunit kung itutuon natin ang ating paningin sa kung ano ang kulang sa atin o sa hindi pa natin nagagawa, hinahayaan nating umabante ang diyablo sa labanan sa ating isipan.



"Huwag kang bibitiw. Huwag kang susuko." Iyan ang mensahe na kailangan nating marinig. Naiisip ko ang sinasabi sa Isaias 43:1b-2: "Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin. Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok."



Ito ang pangako ng Diyos. Hindi Niya ipinapangakong aalisin sa atin ang lahat ng kaguluhan o kahirapan, kundi ipinapangako Niyang sasamahan tayo habang pinagdadaanan ang mga ito. At kung kasama natin ang Diyos, ano ang dapat nating alalahanin?



Manalangin: Aking Diyos, sa kabila ng aking mga kabiguan, Ikaw ay kasama ko, hinihimok ako na huwag sumuko. Tulungan po Ninyo akong tandaan na sa Inyong tulong, kaya kong magtagumpay. Sa pangalan ni Jesus ako ay nananalangin. Amen.



Mula sa aklat na "Battlefield of the Mind Devotional" ni Joyce Meyer. Copyright © 2005 ni Joyce Meyer. Inilathala ng FaithWords. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Battlefield of the Mind Devotional

May mga bagay na dumarating sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Kapag nagsimula na ang kaguluhan sa iyong isipan, gagamitin ng kaaway ang lahat ng sandatang nasa kanya upang pahinain ang iyong ugnayan sa Diyos. Ngun...

More

Nais naming pasalamatan ang Joyce Meyer Ministries sa pagbabahagi ng debosyonal na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: www.joycemeyer.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya