Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

Kapag inisip natin ang krus ng Kalbaryo, alam natin na si Jesus ay namatay para sa pagpapatawad ng ating mga kasalanan. Nakasisiguro tayong si Jesus ay namatay para sa lahat ng maling pagpipiling magagawa natin. Buong kababaang-loob nating tinatanggap na ang krus ay kinailangan upang tayo ay mapatawad at makapamuhay magpakailanman kapiling ng Diyos.
Kung iyon lamang ang nagawa ng Kalbaryo, sapat na ito. Higit pa sa sapat ito! Ang magpakailanman na kalakip ang kapatawaran ang pinakadakilang regalong naibigay sa kasaysayan ng tao. Subalit, ang Kalbaryo ay humigit pa diyan. Si Jesus ay tumungo sa krus upang hindi ka na maging biktima ng depresyon at kalungkutan. Namatay si Jesus upang maranasan mo ang Kanyang kagalakan habang nabubuhay sa gitna ng digmaan sa mundong ito.
Noong nakapako si Jesus, hindi lamang siya napako para sa iyong kaligtasan ngunit para rin sa iyong kagalakan. Kung ako sa iyo, hindi ako sasang-ayon sa kahit na ano maliban sa kagalakan! Utang mo sa sarili mo ... sa pamilya mo ... sa kapitbahayan mo ... sa simbahan mo ... at kay Jesus na mamuhay sa kagalakan na ikinamatay Niya upang maibigay ito sa iyo!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.
More
Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon

Babasahing Gabay na Ang Mas Mabuti

Paglilinis ng Kaluluwa

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg Laurie

Battlefield of the Mind Devotional (Filipino)

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Buhay Si Jesus!

Ang 7 Last Words Ni Jesus