Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Buhay na Mataimtim na HinubogHalimbawa

The Deeply Formed Life

ARAW 5 NG 5

“Pangmisyon na Presensya”

Banal na Kasulatan: Mateo 28:16-20; Mga Gawa1:8; 2 Mga Taga-Corinto 5:11-21

Ang pinakamabisang diskarte natin sa pag-abot sa mundo para kay Cristo ay nakabatay sa kung paano tayo hinuhubog bilang mga tao. Ang kalidad ng ating presensya ay ang ating misyon. At ang mabuting balita ay hindi hinihintay ni Jesus na maging perpekto tayo bago tayo anyayahan sa misyon. Sa kabaligtaran, ang pagiging “perpekto” ay nagtatanggal sa atin mula sa pakikipagtambal kay Jesus sa misyon. 

Kapag nagbabasa ka ng Biblia, makikita mo nang paulit-ulit na hindi tinatawag ng Diyos ang perpektong tao. Ang tinatawag ng Diyos ay yaong mga wasak, takot, mainitin ang ulo, pabagu-bago, pesimista, mapagdudang mga taong tulad mo at tulad ko. Tingnan na lamang ang mga unang disipulo ni Jesus. 

Nang si Jesus ay dinakip at ipinako sa krus, iniwan Siya ng Kanyang mga alagad. Naiwan Siyang mag-isa para magdusa at mamatay. Pagkatapos ng Kanyang kamatayan, pagkalibing, at pagkabuhay na mag-uli, nagkulong ang mga disipulo sa isang silid sa takot na sila ang susunod na mamamatay. Binigo ng mga disipulong ito si Jesus. Tumiwalag sila. Sino ang gugustuhin ang mga taong ito sa kanilang koponan? Ang sagot ay walang iba maliban kay Jesus. 

Bumalik si Jesus sa Kanyang mga nabigong alagad at sa halip na ipamukha ang kanilang mga pagkakamali, ipinadala Niya sila sa misyon. Matapos makaharap ang Kanyang mga kaibigan, sinabi Niya, “Sumainyo ang kapayapaan. Kung paanong isinugo Ako ng Ama, gayundin sinusugo Ko kayo." At pagkatapos Niyang sabihin ito, “hiningahan Niya sila at sinabi sa kanila, ‘Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo’ ” (Juan 20:21–22). 

Kahit na nagkakamali ka, hindi gumagawa, at hindi mo magawang ayusin ang lahat, lumalapit si Jesus sa iyo at nagsasabing, “Gusto kita. Tinatawag Kita, at ipinapadala Kita.” Alam ni Jesus ang iyong mga problema, ang iyong mga adiksyon, ang iyong mga kabigatan, at ang iyong mga pagkabigo, at sa kabila nito, inaanyayahan ka sa Kanyang misyon. 

Ano ang mga pinakamalaking pangangailangan ng mga taong pinakamalapit sa iyo? Paano ka magiging katulad ni Cristo sa kanila sa mga sitwasyong ito?


Umaasa kaming nahikayat ka ng Gabay na ito. Matuto pa dito

Tungkol sa Gabay na ito

The Deeply Formed Life

Ayon kay Pastor Rich Villodas ng New York, ang isang buhay na may malalim na pagkabuo ay isang buhay na minamarkahan ng pagsasama-sama, pagtatagpo, magkakasalikop, at pag-uugnayan, na pinagsasama ang maraming mga suson ng espirituwal na paghubog. Ang ganitong uri ng buhay ay tumatawag sa atin na maging mga taong naglilinang ng mga buhay kasama ang Diyos sa panalangin, kumikilos tungo sa pagkakasundo, gumagawa para sa katarungan, may malusog na kalooban, at nakikita ang ating mga katawan at sekswalidad bilang mga kaloob na dapat alagaan.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.richvillodas.com/