Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Buhay na Mataimtim na HinubogHalimbawa

The Deeply Formed Life

ARAW 4 NG 5

“Sekswal na Kabuuan”

Mula pa sa simula, ang kuwento ng tao ay isang malalim na tunggalian at pagkakawalay sa ating mga katawan. 

Binigyan ng Diyos ang mga unang tao, sina Adan at Eba, ng isang ganap na paraiso at nagtakda ng isang mahalagang hangganan: hindi sila dapat kumain mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Hindi nagtagal, isang ahas ang dumating, inakit ang mag-asawa na kumain mula sa puno. Ngayon ay binabasa natin ang isa sa mga pinakakalunos-lunos na talata sa Biblia: "Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila'y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtahi-tahi nila ang mga ito at ginawang panakip sa katawan" (Genesis 3:7). 

Binago ng kasalanan ang kanilang paningin, sa kabalintunaan, sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanilang mga mata. Bago ang sandaling ito, nakakakita sila sa pamamagitan ng dalisay na mga mata ng Diyos. Ngayon ay nakakakita sila gamit ang nabahirang paningin ng kasawian ng tao. 

Ang mga kahihinatnan ay patuloy na magpapahirap sa sangkatauhan. Hanggang ngayon, kapag iniisip natin ang ating mga katawan at sekswalidad, madalas itong ginagawa sa ilalim ng bigat ng kahihiyan, pagsisisi, kalungkutan, at galit.

Ngunit hindi ito ang katapusan ng ating mga kuwento. May pag-asa. Sa kapangyarihan at pag-ibig, maaari tayong hubugin ng Diyos sa paraan ni Jesus. Sa Kanya, ang ating pagkaalipin ay nalulupig. Ang ating mga sugat ay walang huling salita. Tagumpay si Cristo. 

Kay Jesus, isang bagong sangkatauhan ang iniaalok: hindi nakatanikala ng kulungan ng kasalanan at kahihiyan kundi pinalaya sa kaganapan ng pag-ibig ng Diyos. Sa iisang kilos na kinasasangkutan ng punong iyon sa Halamanan ng Eden, ang mundo ay napunta sa isang mapanganib na pag-ikot ng kasalanan. Ngunit dumating si Jesus at, sa isang kilos ng pagsunod, habambuhay na nabago ang landas ng mundo. 

Oo, nagtago sina Adan at Eba sa likod ng puno, hubad at nalupig ng kahihiyan. Ngunit si Jesus ay nakabitin sa puno, hubad, at nilupig ang kahihiyan. 

Kay Jesus, ang kahihiyan ay hindi ang huling salita. Ang ating mga pagnanasa ay hindi na kailangang maging magulo. Maaari tayong mamuhay sa kalayaan na dala ng Kanyang pangalan.

Ang kabuuan ng sekswalidad ay nakakamit sa tulong ng iba. Ang iyong mga pagnanasa ba ay naging magulo? Maghanap ng isang tao o grupo na maaaring tumulong sa iyong suliranin. Ikaw ba ay nag-iisa? Maghanap ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ikaw ba ay may-asawa? Isagawa ang kabuuan ng komunikasyon sa iyong asawa na maaari lamang makamit sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Tungkol sa Gabay na ito

The Deeply Formed Life

Ayon kay Pastor Rich Villodas ng New York, ang isang buhay na may malalim na pagkabuo ay isang buhay na minamarkahan ng pagsasama-sama, pagtatagpo, magkakasalikop, at pag-uugnayan, na pinagsasama ang maraming mga suson ng espirituwal na paghubog. Ang ganitong uri ng buhay ay tumatawag sa atin na maging mga taong naglilinang ng mga buhay kasama ang Diyos sa panalangin, kumikilos tungo sa pagkakasundo, gumagawa para sa katarungan, may malusog na kalooban, at nakikita ang ating mga katawan at sekswalidad bilang mga kaloob na dapat alagaan.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.richvillodas.com/