Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Buhay na Mataimtim na HinubogHalimbawa

The Deeply Formed Life

ARAW 2 NG 5

“Pagkakasundo ng Lahi”

Ang mga kuwento ng mga suliraning may kaugnayan sa lahi na ating naririnig at nakikita ay tila walang katapusan. Maging ang mga kuwentong ito ay napapanood sa telebisyon o ito man ay kuwentong alam lang natin, nararamdaman natin ang bigat ng mga mapanirang ideya at gawain na nagtatatag ng mga tahimik at hindi gaanong tahimik na pagbibigay ng ranggo sa halaga ng tao batay sa kulay ng balat. 

Ngunit hindi tayo walang tulong. 

Sa kaibuturan ng ebanghelyo ay ang "pagwawasto" ng lahat ng bagay sa pamamagitan ni Jesus. Sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, ang mundo ay inilalagay sa isang landas ng panibagong buhay, ngunit may kaluguran tayong inaanyayahan ng Diyos na makipagtulungan patungo sa hinaharap na ito. Gayunpaman, ang gawaing ito ay hindi isang pansariling gawain; ito'y isang gawaing iniaayos sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng bagong pamilya sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. 

Pag-aralan natin ang dalawa sa mga disipulo na tinawag ni Jesus: si Mateo at si Simon na Makabayan (tingnan ang Mateo 10:3–4). Si Mateo ay nagtrabaho para sa gobyerno; si Simon ay galit sa gobyerno. Si Mateo ay isang maniningil ng buwis; si Simon ay isang taga-protesta sa pagbabayad ng buwis. Si Mateo ay nangongolekta ng buwis para sa mga Romano; si Simon ay isang rebelde laban sa mga Romano. Si Mateo ay mayaman; si Simon ay mula sa uring manggagawa. Si Mateo ay kumikita sa pamamagitan ng pananamantala sa mga tao tulad ni Simon; pakiwari ni Simon na tinawag siyang patayin ang mga taong tulad ni Mateo. 

Sa kabila ng lahat ng pagkakaibang ito, nagawa nina Mateo at Simon na manatiling konektado. Ngunit ito ay may kapalit. Kinailangan ni Mateo na tumigil sa pang-aabuso sa mga taong tulad ni Simon; kinailangan ni Simon na yakapin ang ibang pananaw ng rebolusyon. Ito ang pinakabuod ng bagong pamilya na nilikha ni Jesus. Ang komunidad ng pagkakasundo ay palaging magkakaroon ng kapalit, at kay Cristo, ang mga hadlang na naghihiwalay sa atin ay maaaring mabuwag sa Kanyang pangalan. 

Higit pa sa orihinal na labindalawa, inaanyayahan din ni Jesus ang mga kababaihan upang maging mga disipulo Niya. Ipinagkatiwala Niya sa mga disipulo ang tungkuling abutin ang mga hindi Judio. Pinamunuan ng Espiritu Santo ang simbahan upang makita ang pangitain na ito na natupad habang nabubuo ang isang bagong pamilya—hindi batay sa etnikong o kasarian na pagkakakilanlan kundi sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. 

"Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus." (Mga Taga-Galacia 3:28).

Siyasatin mo ang iyong puso para sa iyong sariling pagkakasangkot sa paghahati-hati ng lahi, at maglaan ng panahon sa pangungumpisal, pagsisisi, at kapatawaran.
 

Tungkol sa Gabay na ito

The Deeply Formed Life

Ayon kay Pastor Rich Villodas ng New York, ang isang buhay na may malalim na pagkabuo ay isang buhay na minamarkahan ng pagsasama-sama, pagtatagpo, magkakasalikop, at pag-uugnayan, na pinagsasama ang maraming mga suson ng espirituwal na paghubog. Ang ganitong uri ng buhay ay tumatawag sa atin na maging mga taong naglilinang ng mga buhay kasama ang Diyos sa panalangin, kumikilos tungo sa pagkakasundo, gumagawa para sa katarungan, may malusog na kalooban, at nakikita ang ating mga katawan at sekswalidad bilang mga kaloob na dapat alagaan.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.richvillodas.com/