Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Buhay na Mataimtim na HinubogHalimbawa

The Deeply Formed Life

ARAW 3 NG 5

“Pagsusuri ng Kalooban”

Ang pagsusuri ng kalooban ay isang paraan ng pamumuhay na isinasaalang-alang ang mga katotohanan ng ating mga panloob na mundo para sa kapakanan ng ating sariling pag-unlad at ang pagtawag na magmahal nang mabuti. 

Marami sa ating modernong pamumuhay ay lumalaban sa ganitong uri ng pamumuhay. Maraming araw natin ay isinasaayos sa paraang hindi natin namamalayan na umiiwas sa pagtingin sa kung anong nasa kaibuturan. Nakakabilang tayo sa mga komunidad ng simbahan na nagtataguyod ng kakulangan sa pagsusuri ng sarili. Ginagamit natin ang Diyos upang tumakas mula sa Diyos, at ginagamit natin ang Diyos upang tumakas mula sa ating sarili.

Sa Awit 139, nakikita natin ang puso ng isang tao na modelo ng malalimang pagsusuri ng kalooban: si David. Ang unang labing-apat na mga talata ng awit ay tungkol sa kaalaman ng Diyos sa sangkatauhan at partikular kay David. Ngunit sa pagtatapos ng awit, mararamdaman mo na alam ni David na kahit alam ng Diyos ang lahat tungkol sa kanya, hindi alam ni David ang lahat tungkol sa kanyang sarili. Kaya't sa mga salita ng pagsusuri sa sarili at pangungumpisal, isinulat niya, 

O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip,

subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; 

kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid,, 

sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid. (Mga talata 23–24) 

Karamihan sa atin ay nagnanais ng kamalayan sa Diyos. Ngunit ang kailangan natin bukod dito ay ang kamalayan sa sarili. Pinagtibay ni David na alam ng Diyos ang lahat, kaya't humingi siya ng paghahayag hindi tungkol sa Diyos kundi tungkol sa kanyang sarili. Ang disposisyon ng puso ni David ay ang tingnan ang nasa kaloob-looban. 

Sa debosyonal na ito, binigyang-diin ko ang kahalagahan ng pakikinig. Ang paraan ng pagmumuni-muni ay tungkol sa malalim na pakikinig sa Diyos. Ang paraan ng pagkakasundo ay kinapapalooban ng malalim na pakikinig sa bawat isa. Ang paraan ng pagsusuri ng kalooban ay tungkol sa malalim na pakikinig sa ating sarili. 

Kapag isinasaalang-alang natin ang Mga Awit at iba pang mga tekstong biblikal bilang mga modelo para sa panloob na pagsusuri, makikita natin ang priyoridad na ibinibigay para magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kung anong nasa loob. Ngunit nangangailangan ito ng ilang pagsusumikap. Si David, sa Awit 139, ay gumawa ng tatlong bagay na naging epektibo kaya't inaanyayahan tayong sundan ito. Siya ay naglaan ng oras para sa panloob na pagsusuri, may pagtitiwala siyang isuko ang kanyang panloob na mundo sa Diyos, at nagkaroon siya ng tapang na harapin ang kanyang sarili. Paano tayo?

Tanungin ang iyong sarili: Ngayon, ano ang ikinagagalit ko? Ano ang ikinalulungkot ko? Ano ang ikinababahala ko? Ano ang ikinasisiya ko? Hayaan mong ang mga kaisipang ito tungkol sa iyong sarili ay magdala sa iyo sa panalangin.

  

Tungkol sa Gabay na ito

The Deeply Formed Life

Ayon kay Pastor Rich Villodas ng New York, ang isang buhay na may malalim na pagkabuo ay isang buhay na minamarkahan ng pagsasama-sama, pagtatagpo, magkakasalikop, at pag-uugnayan, na pinagsasama ang maraming mga suson ng espirituwal na paghubog. Ang ganitong uri ng buhay ay tumatawag sa atin na maging mga taong naglilinang ng mga buhay kasama ang Diyos sa panalangin, kumikilos tungo sa pagkakasundo, gumagawa para sa katarungan, may malusog na kalooban, at nakikita ang ating mga katawan at sekswalidad bilang mga kaloob na dapat alagaan.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.richvillodas.com/