Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Breath Of Heaven
Breath of Heaven, Hold me together
Be forever near me, Breath of Heaven
Breath of Heaven, Light my darkness
Pour over me, your holiness, For you’re holy
Breath of Heaven
Napakataas ng pagpapahalaga ng marami sa atin kay Maria, ang ina ni Jesus, dahil siya ang pinili ng Diyos upang dalhin ang Kanyang Anak at isilang Siya sa mundo. Ito ang pinakadakilang gawain na ibinigay sa sinuman. Kahit na mataas ang pagpapahalaga natin kay Maria, mahalagang tandaan na siya ay isang normal na tao tulad natin. Sa katunayan, malamang na nilabanan niya ang takot na higit pa kaysa sa karamihan ng mga tao. Siya ay isang dalaga na walang asawa na himalang nagdadalang-tao matapos sabihin sa kanya ng isang anghel na isisilang niya ang Mesiyas. Marahil ay natakot siya sa dakilang gawain na ibinigay sa kanya ng Diyos at hinarap niya ang takot mula sa pagsalungat na natanggap nila ni Joseph dahil sa kakaibang pagbubuntis. Malamang na nilabanan niya ang takot sa kanilang mahabang paglalakbay patungong Bethlehem, dahil siya ay siyam na buwang buntis at naglalakbay sakay ng isang asno. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang takot, nanatili siyang tapat sa Diyos at sa gawaing ibinigay sa kanila.
Ang awiting Breath of Heaven ay nagbibigay sa atin ng isang panalangin na malamang ay ipinanalangin ni Maria na humihiling sa Diyos na yakapin siya, mapalapit sa kanya, at bigyang liwanag ang kanyang kadiliman. Ilang beses ka nang nagdasal ng katulad na panalangin? Ang Pasko ay isang masayang panahon, ngunit ang katotohanan para sa marami sa atin ay mahirap maranasan ang saya sa gitna ng lahat ng kaguluhan at pagsubok na nangyayari sa ating paligid. Kung paanong prinotektahan at ginabayan ng Diyos si Maria sa mahirap na panahon, hayaan mo Siyang gabayan ka ngayong Pasko. Manalangin at ibahagi sa Kanya kung ano ang bumabagabag sa iyong espiritu, at hayaan Siya na ibalik ang kagalakan ng Pasko sa loob mo sa pamamagitan ng pagsama sa iyo, pagiging malapit sa iyo magpakailanman, at pagbibigay liwanang sa iyong kadiliman.
Mga tanong:
Anong mga pagsubok ang iyong tinitiis sa kasalukuyan na nagnanakaw sa iyo ng saya ng Pasko?
Ano ang ilang bagay na maaari mong gawin upang mabawi ang kagalakan at pag-asa sa iyong buhay?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.
More
Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church