Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pakikinig sa DiyosHalimbawa

Listening To God

ARAW 6 NG 7

Panganib sa Isang Estranghero



Marami sa mga anak ng Diyos ang lalong nagiging mahina sa mga panlilinlang ng tinig ng estranghero.Ang pakikinig sa tinig ng Diyos ay tunay ngang nagiging hamon dahil sa mga nakikipag-agawang ingay na hindi maka-diyos. Ang nakalulungkot, nagsisimula silang magkaroon ng alinlangan sa kalikasan ng Diyos at sa katotohanang itinuturo Niya sa Kanyang Banal na Salita.



Nakikita natin ang pinagmulan ng suliraning ito sa taong naninirahan sa hardin, si Eba.



At nais kong malaman.

Bakit kaya nagawa niyang makinig sa madayang panlilinlang ng ahas?

Bakit hindi niya napansing ito ay tinig ng isang estranghero?

At nais kong malaman. Gaano ba talaga kakilala ni Eba ang Diyos, ang kanyang Pastol?Tila napakadali niyang napaniwala sa mga kasinungalinan ng kaaway.

Bakit napaniwala agad si Eba??



Naniniwala akong bagama't batid ni Eba ang katotohanan, hindi matatag ang kapit niya sa katotohanan. Batid niya kung ano ang "sinabi" ng Diyos ngunit hindi niya lubos na naunawaan kung Sino Siya—lubos na mapagkakatiwalaan at mabuti. Hindi niya naunawaan na hindi kailanman ipagkakait sa kanya ng Diyos ang anumang mabuting bagay.



Bago ang pagkain ng ipinagbabawal na bunga, wala siyang kamalayan tungkol sa kasamaan, wala siyang kamalayan tungkol sa kasalanan, at wala siyang kamalayan na maaari siyang malinlang sa hindi pagsunod sa kanyang Ama.



Ngunit hindi ito totoo para sa atin! May kamalayan na tayo tungkol dito! Purihin ang Diyos dahil may Banal na Salita ng Diyos na tayo bilang ating gabay sa katotohanan, ang Banal na Espiritu (ang Banal na Espiritu ng Katotohanan) bilang ating Tagapayo, at si Cristo Jesus bilang ating Tagapagligtas at tapat na Tagapagtanggol!



Ngunit, katulad ni Eba, nahihila rin tayo sa pakikinig sa mga kasinungalingan ng estranghero. Bakit?



Isang dahilan ay, kadalasan, pinapapasok natin ang mga kasinungalingan ng kaaway sa pamamagitan ng ating sariling "pag-aaliw." Ang TV, internet, mga pelikula, mga aklat, at mga magasin, na kadalasan ay hindi mo maririnig sa mga ito ang tinig ng Diyos, ang lumalamon na sa ating lipunan. Gayunman, gumugugol tayo ng hindi mabilang na dami ng oras sa masasama at sinungaling na mga tinig habang ang ating mga isip at puso ay nahahaluan, nadudumihan, at kulang sa buhay, masigla, at namumukaw na Banal na Salita ng Diyos!



Kailangan nating makilala ang ating Pastol! Kailangang mabigyan tayo ng sustansya sa Kanyang luntiang pastulan. Kailangan nating maging malapit sa Kanya upang makasunod tayo sa Kanyang tinig.



Huwag ninyong palalampasin ang babasahing debosyonal para bukas, dahil magtatapos tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pananaw na makakatulong tungkol sa "Paanong Makikilala ang Pastol!"



Itanong mo sa Ama: Nakikinig ba ako sa mga tinig na hindi galing sa Iyo o hindi Ikaw?



Inirerekomendang Awit ng Pagsamba Para sa Araw na ito: "My Heart Is Yours" Kristian Stanfill



Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Listening To God

Sinulat ni Amy Groeschel ang Gabay sa Bibliang ito na tatagal ng pitong araw sa pag-asang ito ay tatanggapin bilang isang mensaheng nanggagaling mula mismo sa puso ng ating mapagmahal na Ama patungo sa puso mo. Ang kanya...

More

Malugod naming pinasasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng planong ito. Sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: www.life.church

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya