Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Aking Anak ay Naiiba: Pagsuporta Para sa Hirap at GinhawaHalimbawa

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

ARAW 6 NG 8

Isang debosyonal mula kay Heather Brower



Pagpapapalaki sa Tagasunod ni Cristo



Kung ikaw ay tagasunod ni Cristo at ikaw ay may anak, ang pinakamalaking pasanin na iyong nararamdaman ay makilala nila ang Ama sa langit at tanggapin ang pag-ibig at kaligtasan na ibinigay ni Jesus para sa kanila. Na sila ay mamumuhay ng buhay na pinalalakas ng Banal na Espiritu! Ito ay palagi kong hangarin sa aking mga anak—at sarili. Subalit, paano ko tuturuan ang aking anak na autistiko ng tungkol kay Jesus? May pakialam ba siya? Mauunawaan ba niya? Maari niya ba itong sabihin sa akin kung naunawaan niya? Ang akin bang mga salita at pagmamamahal ay makakaabot sa kanya?



Sa kahulihan, ang mga tanong na aking pinaglalabanan ay mula sa aking kawalan ng pananampalataya at sariling pagkaunawa ng tungkol sa kapangyarihan at pag-ibig ng ating Ama. Wala kailanman para sa ating mga magulang na baguhin ang puso ng ating mga anak. Ito ay gawain ng Banal na Espiritu—at ang Kanyang gawa ay hindi nakagapos sa talino ng tao o kakayahan. Ang Kanyang gawa ay kahima-himala. At, siyempre pa, mahal Niya ang ating mga anak nang higit pa sa pagmamahal natin!



Subalit, ano pa ang dapat gawin ng isang magulang? Magpatuloy sa pagbasa upang makita ang apat na malalaking katanungan na madalas nating pinag-iisipan. 



1. Ang aking anak ba ay magiging Cristiano kahit na siya ay may kapansanan sa pag-iisip?  Ang magandang balita ay naglilingkod tayo sa Diyos na ang pag-ibig at pag-abot sa atin ay hindi natatali sa ating kasanayan sa pag-unawa. Wala sa ating nakauunawa nang lubos kung sino talaga Siya. Inilarawan tayo ng Biblia bilang nakakaalam nang bahagya, o parang inaaninag lang natin ang kaunawaan mula sa Diyos. Hindi natin mauunawaan ang hiwaga ng Diyos at kung paanong nautusan Niya ang sansinukob. Subalit, marami sa atin ay may sapat na pagkaunawa na mamili na tanggapin ang biyaya ng Diyos at tumanggap ng kaligtasan.



Ngunit paano ang ating mga anak na may pantanging pangangailangan? Ang mga teologo ay matagal nang inakala na marahil ay mayroong "gulang ng pananagutan" na iba't-iba sa bawat tao. Ito ay katulad ng gulang ng pagkaunawa. Ang ating mga anak ay maaaring hindi maabot ang antas ng pagkaunawa na magbibigay ng kakayanan na parehong maunawaan kung ano ang dapat nilang gawin at pagkatapos ay piliin na hindi ito gawin.



Ang dapat tandaan? Hindi natin tiyak na alam kung ano ang buong nangyayari sa isip ng ating mga anak. Hindi tayo Diyos! Bilang mga magulang, ang ating tungkulin na turuan ang ating mga anak ng tama, ay sabihin sa kanila ang mabuting balita na mahal sila ni Jesus at nais silang maging kaibigan ng Diyos at tulungan sila na lumakad sa daan ng Diyos hanggat maaari ay pareho sa bawat bata, kahit ano pa ang kanilang kakayanan. At iyan ang magagawa natin. 



2. Ang aking anak ba ay magiging Cristiano kahit na siya ay may kapansanan sa pagsasalita—paano ang "pagpapahayag ng pananampalataya”? Okay, tingnan natin bakit ito minsan ay nagpapataranta sa mga magulang. Ito ay ang sinasabi sa talata sa Mga Taga-Roma 10:9 tungkol sa pagpapahayag ng ating mga labi na si Jesus ay Panginoon upang tayo ay maligtas. Um, paano kung ang aking anak ay hindi nagsasalita at hindi na makapagsasalita? Una, basahin nating muli ang sagot na ibinigay sa punto 1. Pagkatapos, tandaan natin na ang pinag-uusapan natin ay ang lubos na makatuwirang Diyos na inililigtas tayo sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, hindi ng ating mga gawa. Kung nararamdaman mo na ang iyong anak ay kayang iproseso sa kanyang isip ang itinuturo mo tungkol kay Jesus, subalit hindi nila maipahayag ang kanilang salita sa iyo o sa Diyos, ang Diyos ay mas kaya na katagpuin sila sa kanilang antas ng kakayanan. Hindi Niya hihilingin sa atin na gumawa ng isang bagay na hindi natin kayang gawin. Iyan ang pinatutungkulan ng biyaya.



3. Paano ko kakausapin ang aking anak na may pantanging pangangailangan tungkol sa bautismo? Ito ay isang mahalagang tanong. At, ako ay mapalad na nagawa ko na akayin ang aking anak sa pagbabautismo mga dalawang taon na ang nakararaan. Nang una niyang itinanong ang tungkol dito, nais niya na magkaroon ng pagkakataon na lumangoy sa simbahan. Alam ko na iyon ay hindi pa ang tamang panahon! Subalit, sa dakong huli, nagsimula ulit siyang magtanong ng tungkol sa bautismo. Pagkatapos tinanong niya kung pwede siyang bautismuhan. Tila nauunawaan niya, kaya ginawa namin iyon! Ito ay naging isang napakamakahulugang araw para sa aming pamilya. Pinag-uusapan pa rin namin iyon. Kung ang iyong mga anak ay nagpapahayag ng pagnanais na mabautismuhan, iminumungkahi ko na ipaliwanag iyon at gawin iyon! Kung nag-aalala ka na maaaring ang gawain na iyon ay lubhang napakalaki, maaari mong kausapin ang namumuno sa simbahan upang malaman kung mayroong ibang lugar o oras para ang iyong anak ay mabautismuhan. Ang pagbabautismo sa pool na pamilyar sa kanila ay maaaring angkop para sa iyong anak.



4. Paano ko malalaman kung ang aking anak ay nauunawaan ang pagsunod kay Cristo? Isang tanong na mahirap sagutin, kahit ano pa ang mga kakayahan ng iyong anak. Sa palagay ko imposible itong sagutin. Kaya hindi ko na susubukan pa! Mga magulang, kahit ano ang antas ng kakayahan ng ating mga anak, mayroong mga bagay na hindi natin lubos na malalaman. Naniniwala ako na ang sagot ay babalik sa "Ano ang gagawin ko, bilang magulang, upang matulungan ko ang aking anak na manatili sa daan ng Diyos?" At malalaman natin iyan sa ating pagbabasa bukas! 



Ang pagpapalaki sa tagasunod ni Cristo na nagtataglay ng kapansanan ay magaganap katulad ng pagpapapalaki sa tagasunod ni Cristo na walang kapansanan. Tayong mga magulang, kahit ano pa ang kakayahan ng ating mga anak mula nang ipinanganak, ay kailangang magtiis at hayaang ang pananampalataya ang magpuno kung ang ating mga mata ay hindi makita kung tayo ay lumilikha ng pagbabago o hindi. 



Tala: Ano pa ang ibang mga katanungan na mayroon ka sa Diyos? Isulat ang mga ito. Pagkatapos tingnan kung anong mga tanong ang masasagot lamang nang may pananampalataya. 


Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

Ang Gabay sa Biblia na ito ay para sa mga magulang ng mga bata na may kapansanan, naiiba, o may pantanging pangangailangan ng anumang uri—nasaang bahagi ka man ng iyong lakbayin. Magbasa mula sa ibang mga magulang at tag...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya