Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Aking Anak ay Naiiba: Pagsuporta Para sa Hirap at GinhawaHalimbawa

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

ARAW 2 NG 8

Ang Kapansanan ay Hindi Isang Sumpa 



Mayroong kuwento na nagpipinta ng magandang simbolong larawan ng kung ano ang maaaring maging pakiramdam nang una mong malaman na mayroong malaking kaibahan ang iyong anak. Basahin ang maikling bersiyon na ito para sa mabilis na pagpapaalala. 



Nagplano ka ng biyahe patungong Italya. Nagbawas ka ng timbang sa pag-aasam sa lahat ng pasta na maaari mong kainin. Alam mo na ikaw ay magtutungo sa Colosseum at sa Leaning Tower sa loob ng ilang araw. Nag-empake ka ng angkop na mga kasuotan para sa mga litrato na iyong kukunan sa Mediterranean. Ang ilan sa iyong mga kaibigan ay nakapunta na sa Italya, kaya pakiramdam mo ay handa ka na at handang sundin ang lahat ng kanilang mga pinakamaiinam na rekomendasyon. 



Subalit, nang lumapag ang eroplano, ang inyong piloto ay nagsabi, “Maligayang Pagdating sa Holland.” Galit ka, aburido, nasaktan at marahil ay lito. Hindi mo nais na magmukhang walang utang na loob, subalit hindi mo hiniling o ninais na pumunta sa Holland. Paano ako nakarating dito? Ano ang kinagigiliwang gawin ng mga tao dito? Ano ang makikita at mararanasan ko? Ano ba ang wika dito? 



At maaaring manatili kang galit at lito sa loob ng ilang sandali. Maaaring nanlulumo dahil sa hindi pagkaalam ng mga kasagutan sa mga tanong na iyon at marami pang iba na mayroon ka. Maaaring pakiramdam mo ay nag-iisa ka. Ang mga kakilala mo ay nasa Amafi Coast at nasisiyahan sa araw at pagkaing-dagat. Samantalang ikaw ay nasa Holand. 



Ang totoo: May kagandahan sa mga hindi inaasahang mga lugar. Subalit, minsan, dahil pakiramdam natin ay nadaya tayo o hindi natin maiwasan ang magtaka kung bakit hindi tayo pinayagan ng Diyos na sundin ang mga pangarap na iniisip natin para sa ating mga sarili, hindi natin makita ang kagandahan. 



Narito ang ilan sa mga katotohanan na makakatulong sa iyo upang makita ang kagandahan sa buhay na ibinigay ng Diyos sa iyo. 



1. Ang paninisi ay nagpapanatili ng sakit sa halip na magbigay ng kagalingan. Minsan nakikita natin ang ating mga sarili na naglalaro ng “What If” at ng “Blame Game.” At habang ang paninisi ay maaaring magdulot ng kalutasan, ito sa halip ay nagdudulot ng sakit. Ang paninisi ay kadalasang hindi humahantong sa kagalingan, at hindi ito magbibigay ng kapayapaan na iyong inaasam. Bukod diyan, walang dapat sisihin dahil sa halip ang Diyos ay maluluwalhati (Juan 9:1-3). Kaya kung kinakailangan, patawarin mo ang iyong sarili, ang iba o ang Diyos. 



2. Ginawa ng Diyos ang iyong anak na may layunin. Lahat tayo ay ginawa sa larawan at wangis ng Diyos, at lahat tayo ay Kanyang dakilang obra maestra. Ang obra maestra ay hindi ginawa nang maghapon at hindi ginawa nang basta-basta. Ito ay nilikha, hinulma, at hinugis nang may pag-iingat, layunin at pagmamahal. Ang pintor ay hindi basta ginagawa ang mga batik sa kanyang paleta na kung ano lang. Maging ang mga pintor na para bang nagsasaboy lang ng pintura sa kuwadro ay mayroong pangitain. Nakikita nila sa kanilang mga isipan kung ano ang nais nilang likhain, at sa mataas na atensiyon at makasining na kasanayan, nililikha nila ang isang magandang bagay mula sa wala. Ginawa iyan ng Diyos sa iyong anak. Gumawa Siya ng isang bagay—isang tao—na kahanga-hanga. (Mga Awit 139:13-15; Mga Taga-Efeso 2:10; Exodo 4:11)



3. Makukuha natin ang mga kasagutan sa kabilang panig ng langit. Maaaring hindi mo alam kung bakit nauwi ka sa hindi inaasahang lakbayin, at ayos lang iyon. Maaring hindi mo alam kung bakit ang iyong lakbayin ay masakit kung minsan. Sa ngayon nakikita lamang natin ang isang bahagi. Hindi tayo magkakaroon ng 20/20 na paningin o buong kaunawaan sa anumang bagay sa panig na ito ng langit. Samantala, hinihingi lang ng Diyos na tayo ay magkaroon ng pananampalataya–na Siya ay gumagawa ng mga bagay para sa ating ikabubuti, at ginagawa Niya ang lahat nang may layunin. (2 Mga Taga-Corinto 4:16-18; Mga Taga-Roma 8:28; 1 Mga Taga-Corinto 13:12)



4. May kagandahan sa naiiba. Sigurado, ang iyong mga kaibigan at pamilya ay tila parang natatamo ang iyong pangarap, hindi naiisip ang iyong mga karanasan. Maaring ikaw ay nananaghili kung tinitingnan mo ang kanilang buhay. Subalit tingnan ito: Ang buhay ng iyong pamilya, sa lahat ng pagkakaiba at pagkakatangi, ay maganda. Totoo, ito ay napapalooban ng mga hamon na hindi mo palaging napaghahandaan, subalit ang Diyos ang magpapakita at magtuturo sa iyo ng iba't-iba at kamangha-manghang mga bagay sa iyong partikular na lakbayin. Sa katunayan, matututuhan mo ang malalim at makapangyarihang katotohanan na hindi mo malalaman kung ikaw ay lumapag sa “Italya.” 



Kaya, nakontrol ng Diyos ang iyong eroplano at dinala ka sa “Holland.” Ito kaya ang pinakamainam na pagpapala sa iyong buhay? Tumingin sa paligid, tingnan ang mga tanawin, at magsaya nang lubusan hangga't maaari. Hindi magtatagal, matatanto mo na may mga Rembrandt, Van Gogh, windmill, ang pambihirang kaparangan ng mga bulaklak na tulip, at stroopwafels ay magdudulot ng kasiyahan!



Hindi ka pinarurusahan o isinumpa. Ikaw ay pinagpala ng isang maganda at perpektong bata na ginawa sa wangis ng Diyos. 



Journal: Isulat ang ilan sa mga kagalakan at magagandang sandali na naranasan mo sa lakbayin ng iyong pamilya kasama ang may kapansanan/may natatanging pangangailangan. At kung ikaw ay nagsisimula pa lamang, isulat ang listahan ng mga magagandang iniisip at nadarama mo sa iyong anak. 


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

Ang Gabay sa Biblia na ito ay para sa mga magulang ng mga bata na may kapansanan, naiiba, o may pantanging pangangailangan ng anumang uri—nasaang bahagi ka man ng iyong lakbayin. Magbasa mula sa ibang mga magulang at tag...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya