Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Aking Anak ay Naiiba: Pagsuporta Para sa Hirap at GinhawaHalimbawa

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

ARAW 5 NG 8

Ang debosyonal ngayon ay mula kay Heather Brower, ina na nagpapalaki ng kahanga-hangang autistikong anak na si Michael. 



Pagharap sa Pagkabahala ng Magulang 



Ang pagkabahala ng magulang ay hindi biro. Hindi ko lang tinutukoy dito ang mga pag-aalala ng magulang—bawat magulang ay mayroon nito. Ang tinutukoy ko ay ang puno, nakapapawis, nakakakabang takot. Mahigit lamang sa isang taon ang nakakaraan, ako ay nakibaka sa pagkabahala na nagdala sa akin sa ER. Anong dahilan? Ang isipin na ito: Hindi ako puwedeng mamatay.



Ang problema ay, ang aking anak ay autistiko, at ako ang nag-iisang tao sa buong planeta na komportable siya. "Nauunawaan" ko siya nang higit kaninuman. Ano ang kaniyang magiging buhay kung wala ako? HIndi ako puwedeng mamatay! Ito ang kaisipan na bumabagabag sa halos sinumang magulang na nagpapalaki sa isang tao na may pantanging pangangailangan. 



Ito ang maganda dito. Natutunan ko ang maraming mga aral tungkol sa pagkabahala sa aking buhay. Hindi sa pagmamayabang, ngunit ako ay magaling kung may kinalaman sa pag-aalala, pagkapahamak, at pakikiramdam sa masamang mangyayari. Sana ang pagkabahala ng mga magulang ay hindi isang bagay na sinuman sa atin (lalo na yaong nasa komunidad na may pantanging pangangailangan) na kailangang makipagbaka. Subalit dahil tayo ay nakikibaka, nais kong ibahagi ang ilan sa mga aral na natutunan ko sa aking naranasan.




  1. Bumitaw. Dahil hindi ikaw ang nagkokontrol ay hindi ibig sabihin na ikaw ay wala nang kontrol. Tama? Maaaring hindi ikaw ang nagmamaneho, subalit hindi ibig sabihin na ikaw ay bubulusok sa kapahamakan. Kung hiniling mo sa Diyos na akayin at gabayan ang iyong buhay, ang iyong tagapagmaneho ay magaling. Siya ay mabuting Ama, at hindi Niya nararanasan ang pagkabahala ng isang magulang. Bumitaw at hayaang Siya ang gumabay. 

  2. Pagtuunan ang mga tamang nangyayari. MInsan ako ay nagtungo sa isa sa mga palabas ng mga sinanay na ibon sa isang theme park. Ang tagasanay ay may sinabi na natanim sa akin. Parang ganito: "Alam ba ninyo kung paano namin sinanay ang mga ibong ito upang gawin ang lahat ng mga trick na ito? Ito ay walang iba kundi positibong pampatibay. Hindi namin pinaparusahan ang mga ibon kung hindi nila nagawa nang tama ang trick. Binibigyan namin sila ng pabuya kung nagagawa nila ito." Sa halip na bigyang-pansin ang ating mga takot, kailangan ituon ang ating isipan sa mga bagay na totoo, mabuti at tama. 

  3. Hindi ka sapat—at okay lang iyon! Ang pangungusap na iyan ba ay masakit? Sana hindi! Ituon sa "at okay lang" na bahagi ng ilang sandali. Ikaw + Maraming Ikaw = Ikaw Pa Rin. Subalit Ikaw + Diyos = Husto! Ihinto ang paikot-ikot na pagtakbo ng iyong utak at gawain habang nagsisikap na mag-isip ng lahat at gawin ang lahat ng bagay. Humingi ng tulong! Humanap ng tagapayo para sa iyo. Humanap ng doktor na maaari mong makausap. Hayaang makatulong ang iyong asawa. Hayaang sumama ang iyong mga kaibigan. Ito ang paraan kung paano natin maisasakatuparan ang kautusan ni Cristo!

  4. Tigilan ang pagiging magulang bukas. Maging magulang sa mga problema sa kasalukuyan. Hindi dahil ang iyong anak ay nagpapakita ng ugaling X ngayon ay magpapakita siya ng ugaling Y bukas. Paano kung ang dalawang pinakamapanganib na salita na maiisip para sa magulang ng bata na may pantanging pangangailangan. Maraming mga hindi alam. Walang saysay na aksayahin ang kagalakan sa ngayon dahil sa pag-iisip ng kalungkutan bukas. Bukod diyan, paano kung maging maayos ang mga bagay-bagay?

  5. Hanapin ang iyong ngiti. Ang iyo bang anak ay nasa kalagitnaan ng mapanlabang kalagayan? Subukang palambutin ang kanilang "HINDI!" sa pamamagitan ng bahagyang ngiti. Ang iyong therapist ay nagkansela nang ikaw ay patungo na doon. Tumigil sa iyong paboritong lugar palaruan na nasa loob at magkaroon ng biglaang pagtitipon kasama ang iyong anak! Kung muli siyang maospital? Magdala ng tugtugin, ng paboritong kumot ng iyong anak, ang kanilang paboritong pelikula, ang masarap na amoy na langis na pampabango, Sharpie upang magdrowing sa mga hospital mask—kahit anong makapagpapagaan ng sitwasyon at makakapukaw ng ngiti na nagbibigay-buhay. Ito ay mainam na gamot.

  6. Pangalagaan ang sarili. Hindi mo matutulungan ang iyong anak kung hindi mabuti ang iyong pakiramdam. Ginagawa ko na pangalagaan ang aking mental at pisikal na kalusugan upang durugin ang aking takot na mamatay nang maaga upang makasama ko ang ang aking pamilya. At tiyak kinakailangan kong balansehin ang aking mental at pisikal na kalusugan kasama ang espiritwal na kalusugan. Kung ako ay tapat, ang pagdalo sa simbahan at pagsamba kasama ng aking komunidad ay kadalasang isang sakripisyo. Subalit, sa bawat pagkakataon na ginagawa ko ang sakripisyong iyon, pinatitibay ng Diyos ang aking pananampalataya, pinalalakas ang aking espiritu, at binibigyan ng kagalakan na kailangan ko upang malagpasan ko ang susunod na linggo!

  7. Maghangad ng karunungan katulad ng paghahangad saoxygen. May mga araw na tayong mga magulang ng mga may pantanging pangangailangan ay hindi alam kung ano ang susunod na gagawin. Ang mga bagay-bagay ay hindi maayos. Ang therapy ayon sa masusing pag-aaral ay hindi matagpuan. May nag-email sa iyo ng tungkol sa "makahimalang lunas." Ano ang kasunod? Maghangad ng karunungan. Isantabi ng ilang saglit ang mga paghahanap sa Google. Tawagan ang tunay na tao. Kausapin ang pastor, tagapayo, opisyal ng eskuwelahan, doktor, o ang iba pang magulang at humingi ng kanilang karunungan. Subalit ang higit sa lahat, humingi nito sa Diyos. Siya ang pinakamatalinong nilalang sa buong kalawakan at panahon.

  8. Kapwa ikaw at ang iyong anak ay kahanga-hangang nilikha. Alam mo ba kung ano ang nais sabihin ng pagkabahala? “Hindi ka okay.” Alam mo kung ano pa ang gustong sabihin ng pagkabahala? “Ang iyong anak ay hindi okay.” Subalit alam mo kung anong magandang sagot dito?"Kapwa ako at ang aking anak ay nilikha sa wangis ng Diyos." Ang aming Manlilikha at Ama sa langit ay maingat na dinisenyo ang bawat tao. Alam Niya ang pambihirang paraan na nilikha ka Niya upang maging magulang ng iyong anak. At alam Niya rin ang pambihirang buhay na hahantungan ng iyong anak. Ito ay isang kahanga-hangang bagay!

  9. Pasalamatan ang Diyos na parang ito ay trabaho mo. Itala ang isang bagay na ipinagpapasalamat mo araw-araw. Isang bagay lang. Magdagdag ng pangungusap kung bakit ka nagpapasalamat sa isang bagay na iyon, at lalo kang mas mainam na gumagawa. Imposible para sa akin na mabahala at magtala ng pasasalamat nang magkasabay. Ito ay ibang kaparaanan ng pagsasanay ng iyong isip upang ituon at damhin kung ano ang tama. Sinasanay nito ang iyong puso na hanapin pa ang ibang mga bagay na dapat ipagpasalamat sa bawat araw. Anumang oras na hindi mo tiyak kung ano ang isusulat, itala mo ito, "Ngayon, ako ay nagpapasalamat at binigyan ako ng Diyos ng kakayahang piliing maging mapagpasalamat. Dahil Siya ay mabuti, mahal Niya ako, at nagtitiwala ako na gumagawa Siya ng lahat ng bagay para sa ikabubuti.”


Panghuli. Kung ang iyong pagkabahala bilang magulang ay tumataas, at napupunta sa iba pang anyo ng pagkabahala, hindi tumutugon sa panalangin, nagiging dahilan ng di pagkatulog, o nakakaapekto sa iyong araw-araw na buhay, panahon na upang humingi ng dagdag na tulong. Humanap ng doktor, propesyonal na tagapayo, at pastor na makakausap mo ngayon. Gawin na ito ngayon. Humingi ng tulong. Siguraduhin na ang iyong katawan, isip at espiritu ay nakakatanggap ng tulong na kailangan. Kailangan ng motibasyon? Tingnan ang iyong anak. Kailangan ka niya. 



Tala: Ano ang magandang nangyari ngayon? Ano ang dapat mong ipagpasalamat at bakit? 


Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

Ang Gabay sa Biblia na ito ay para sa mga magulang ng mga bata na may kapansanan, naiiba, o may pantanging pangangailangan ng anumang uri—nasaang bahagi ka man ng iyong lakbayin. Magbasa mula sa ibang mga magulang at tag...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya