Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Aking Anak ay Naiiba: Pagsuporta Para sa Hirap at GinhawaHalimbawa

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

ARAW 3 NG 8

Sa mga susunod na limang araw, mababasa natin ang karunungan mula sa mga magulang na nasa iba't-ibang lugar sa kanilang lakbayin sa pagpapalaki ng mga bata na may karagdagang pangangailangan. Habang binabasa mo ang kanilang mga sinasabi, hayaang himukin at palakasin ng Diyos ang iyong puso. Marahil ay makikita mong bahagya ang iyong sarili sa kanilang mga salita. At, sana ay makita mo na hindi ka nag-iisa sa pakikipagsapalarang ito.



Ang debosyonal ngayon ay mula kay Ashley Armstrong, na kadalasang masusumpungan na nakikigalak sa kanyang anak na si Finn habang nilalarong pataas ang gulong ng kanyang wheelchair. 



Ang Tag-araw ay Parating



Nawala ka na ba sa sarili? Parang nakalimutan mo kung sino ka, kung sino ka na nilikha ng Diyos? Naranasan ko ito noon—una sa kolehiyo, at naulit noon sa madilim na panahon ng pagdadalang-tao ko sa aming unang anak. Sana ay makahanap ka ng ilang simpleng salita na magpapatibay ng loob para sa mahihirap na panahon at sa madilim, maulap na mga araw.



Una kong natunghayan ang mga sulat ni Albert Camus sa isa sa mga klase ko sa Literatura. Ang partikular na sipi na ito ay nangusap sa aking kaluluwa at nakaimpluwensiya sa aking buhay mula noon: “Sa kaibuturan ng taglamig, natutunan ko sa wakas na sa kaloob-looban ko ay mayroong nakalatag na tag-araw na hindi natitinag.” Sa mga panahong iyon, ako ay nalulunod. Ako ay literal na nawawala sa aking sarili. 



Taglamig noon sa aking puso. Ang aking mga pangarap ay mga yelo, na lumalambitin sa itaas, nagbabadyang malaglag. Ako ay nalulungkot at nagagalit, nagpupunyagi sa hapdi ng pagtanggi. Nagkunwari akong malakas subalit ako ay marupok sa loob. Subalit tinunaw ako ng Diyos. 



Binuksan Niya ang aking mga mata sa iba na mas nasasaktan kaysa sa akin at pinaalalahanan kung sino ako na Kanyang nilikha. Ang Tag-araw ay pabalik na. Nagkaibigan pa nga kami ng lalaking aking pinakasalan. Lumipas ang ilang mga taon, ang kagalakan ay pumuno sa aming buhay: kami ay magkakaroon ng anak!



Pagkatapos ng ilang nakakatakot na komplikasyon ng aking pagbubuntis, nagtungo kami para sa aming appointment para malaman ang kasarian ng aming anak. Ang technician ng ultrasound ay naging asiwa at inihatid kami sa kabilang silid kung saan nalaman namin na ang bungo ng aming anak (siya ay lalaki!) ay nasukat na malaki. Sinabi ng mga espesyalista na ang aming anak ay mayroong spina bifida at malamang na hindi makalakad, maliban pa sa hindi mabilang na mga problema at kapansanan. Si Joey at ako ay lubos na nabalisa. Umiiyak kami sa aming pagtulog halos gabi-gabi. Nagalit ako sa Diyos at naghinanakit sa lahat ng aking mga kaibigan—at maging sa mga hindi kakilala—na may malulusog na anak. Nakalimutan kong muli kung sino ako.



Napagtiisan natin o napagtitiisan ang mga tila walang katapusang mga taglamig, yaong mga nag-iiwan ng matigas na yelo sa ating mga puso. Naranasan mong mawalan ng mahal sa buhay nang maaga. Ang tanggihan. Ang diborsiyo habang inaasam mo ang magpakailanman. Makunan nang maraming beses. Pagkabaog. Naramdaman mo ang hapdi ng pang-aabuso o kapabayaan.



Ang mga sakit na ito ay makapagpapayelo sa atin, na maaaring maging sanhi upang saraduhan ang ating sarili papalayo sa mundo, mamaluktot sa kumot na takip ang ating ulo, at hayaang ang bagyo ng niyebe ay magngalit.



At ito ay ayos lang sa ilang sandali, ngunit, sa isang punto, ang tag-araw ay darating. Ito ay matindi. Hindi natitinag.



Ang taglamig ay sumubok na ako ay patigilin sa takot na hindi ko taglay kung ano ang kailangan upang palakihin ko ang aking anak na may malaking natatanging pangangailangan. Subalit dumating ang tag-araw nang tiningnan ko ang mga mata ng aking anak at namalas doon ang pag-ibig at katapatan ng Diyos. Ang aking anak ay nagsisikap. Siya ay matatag sa kanyang kaibahan at tinuturuan akong masiyahan sa kalakasan ng aking sariling katawan araw-araw—at huwag itong ipagwalang bahala. Ang pagmamahal ng mga nars, doktor, espesyalista, guro, kaibigan at kamag-anak na nagmamalasakit sa aming anak ay mga sinag ng araw sa tag-araw, nagbibigay ng init sa aming mga buhay.



Sa iyong buhay, hayaan na ang mga usbong ay lumaki, ang mga bulaklak ay mamukadkad, at sa kalaunan ay pipitasin mo ang mga talulot at ibabahagi ito sa iba na nasa anino pa rin ng taglamig.



Narito ang ilan sa mga praktikal na payo upang tulungan kang lumakad sa madidilim na panahon:




  1. Basahin ang Biblia. Makatulog na ang iyong mukha ay nasa Banal na Kasulatan at magising nang maaga para magbasa pa. 

  2. Magtungo sa tagapayo. Walang dapat ikahiya dito. 

  3. Gawin ang mga bagay na gusto mo—ang mga bagay na ginawa ng Diyos para gawin mo. Ang ating espirituwal na kaaway ay nais na tayo ay tumigil na gawin ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng kagalakan. 

  4. Palakasin ang loob ng iba na nasasaktan. Ialok ang iyong oras. Makibahagi sa iyong simbahan at maglingkod sa iyong komunidad. Ito ay magbibigay sa iyo ng sapat na pananaw. 


Kung ikaw ay nangangatog sa iyong sariling taglamig, mayroong pag-asa. Walang panahon na nananatili. 



Ang Tag-araw ay paparating.



Journal: Ikaw ba ay nasa taglamig o tag-araw? Ano ang mga hakbang na ginawa mo o kailangan mong gawin upang matagpuan ang araw? 


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

Ang Gabay sa Biblia na ito ay para sa mga magulang ng mga bata na may kapansanan, naiiba, o may pantanging pangangailangan ng anumang uri—nasaang bahagi ka man ng iyong lakbayin. Magbasa mula sa ibang mga magulang at tag...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya