In Our Place: Mga Debosyong Pang-Kuwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

Ang big deal
Ang mga kahanga-hangang piramid ng Ehipto ay sadyang tinayo para maging libingan ng mga paro: ang mga labi nina Djoser, Khufu, at Khafra, ay maingat na binalot at inalagaan. Ang mga bulwagang ito ngayon ay walang laman. Si JesuCristo ay hinatulan gaya ng isang napakasamang kriminal, subalit nilibing siyang gaya ng isang prinsipe sa isang bagong ukit na batong moseleo. Wala ring laman ang libingan, subalit dahil sa ibang dahilan. Ninakawan ang mga libingan ng paro. Si Jesus ay bumangon mula sa kanyang libingan at nabuhay muli.
Aakalain mong hindi maniniwala ang mga hindi Cristiano sa kwento ng Pagkabuhay. Subalit magugulat kang malaman na maraming Cristiano guro ang abalang nagtuturo tungkol sa muling pagkabuhay ni Cristo, na ito ay hindi lamang tungkol sa muling pagbangon ng bangkay. Sa katotohanan, ang ating Tagapagligtas ay totoong namatay. Nawalan ng pulso. Nawalan ng hininga. Nawalan ng brain waves. Sa katotohanan, ang ating Tagapagligtas ay tototong nabuhay.
Iyon ay malaking bagayl. Ang muling pagkabuhay ni JesuCristo ay ang pampublikong tatak ng pagpapatibay ng Ama sa buong buhay ng Anak. "At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya" (1 Mga Taga-Corinto 15:14) Kung ang katawan ni Cristo'y nanatiling patay, lubog ka pa rin sa kasalanan. Hindi mapapawalang-sala ang iyong kasalanan. Ang iyong sariling katawan ay hindi aalis sa libingan.
Subalit si Cristo'y nabuhay muli. Gayundin ang ating pag-asa. "Sumasampalataya ako sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao," sinasabi natin sa Apostle's Creed. Naniniwala ka ba dito? Ang mga naniniwala ay napatawad at immortal.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni JesuCristo para sa atin.
More
Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.timeofgrace.org
Mga Kaugnay na Gabay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Paghahanap ng Kapayapaan

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord
