In Our Place: Mga Debosyong Pang-Kuwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

Sino ang gumawa nito?
Maraming paninisi ang mangyayari para sa nakapangingilabot na pagpako sa krus ni JesuCristo. Nagplano ng pagdakip ang mga punong pari ng mga Israelita. Ipinagkanulo siya ni Judas sa isang halik. Hinatulan siya ng mga pinuno ng bayang Hudyo. Isinakripisyo siya ng sistemang legal ng mga Romano para matahimik ang nagkakagulong mga tao.
Mabibigla ka bang malaman na sa likod ng lahat ng mga ito ay ang mapagparusang kamay ng Diyos Ama? Totoo! Ipinaliwanag ng propeta Isaias ang tunay na kahalagahan ng pagpapakasakit at pagkamatay ni Cristo. "Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko;ang kanyang kamatayan . . .ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan" (Isaias 53:10). Kasali tayo sa mga may salang nagdulot ng kanyang kamatayan, dahil sa mga kasalanan natin. Pinarusahan siya ng Diyos Ama para sa atin, at inalay niya ang kanyang katawan para sa mga hagupit at pagpapapako dahil ang isang mundong makasalanan ang pinarurusahan.
Subalit sa mga sugat ni Cristo tayo ay napagaling. Sa pamamagitan ng pambihirang palitan, ang ating pagkakasala ay nalipat sa kanya at ang kanyang kabanalan ang napasa atin. Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang Ama ay tumitingin sa iyo na tila ba hindi ka nagkasala, na tila ikaw ang kanyang banal na Anak.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni JesuCristo para sa atin.
More
Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.timeofgrace.org
Mga Kaugnay na Gabay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Paghahanap ng Kapayapaan

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos

His ways are higher than our ways

The Power of Love
