Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle IdlemanHalimbawa

“KATAPATAN – Katapatan na Nagdudulot ng Kagalingan”
Maraming mga Cristiano ang nakakaunawa at tinatanggap ang kahalagahan ng pagiging tapat, sa kanilang mga sarili at sa Diyos. Sa 1 Juan, sinasabi sa atin ng Biblia na kapag inamin natin ang ating mga kasalanan sa Diyos, Siya ay tapat at makatarungan na patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo sa lahat ng ating kawalan ng katuwiran. Sinasabi rin ng Biblia na inakong lahat ni Jesus ang kaparusahan na nararapat sa atin noong Siya ay namatay sa krus. Namatay si Jesus para sa aking mga kasalanan, upang kapag akin itong inamin, patatawarin ito ng Diyos.
Kadalasan, sinasabi natin sa ating mga sarili na hindi na kailangan pang palawigin ito: “Kung ako'y tapat sa aking sarili at sa Diyos, sapat na ito.” Subalit higit pa rito ang kinakailangan ng AHA.
Nangungusap ang Santiago 5:16 tungkol sa pag-amin ng ating mga kasalanan at ng pananalangin para sa isa't-isa “upang tayo'y magkaroon ng kagalingan.” Kapag tayo'y tapat sa Diyos tungkol sa ating mga kasalanan, pinatatawad Niya tayo, ngunit kapag tayo'y tapat sa ibang tao, nakakatagpo tayo ng kagalingan.
Ano ba ang kahulugan ng “kagalingan?”
Ganito, ang kaugalian ng pag-amin ng ating mga kasalanan sa isa't-isa ay nagbibigay sa atin ng pananagutan at tumutulong upang matagpuan natin ang kalakasan ng loob na wasakin ang paulit-ulit na pakikipaglaban. Kapag ating kinuha ang ating itinago sa kadiliman at hinila natin ito habang ito'y sumisipa at naghuhumiyaw patungo sa kaliwanagan, natatagpuan nating nawawala ang labis na kapangyarihan nito sa atin.
At ang kagalingan na sinasabi ni Santiago ay mas literal kaysa sa maaari mong isipin. Tingnan mo ito: Isang aklat na sekular tungkol sa sikolohiyang napapanahon na ang pinamagatang Coping with Stress ay nagpapatunay ng kapangyarihang makapagpagaling ng pag-amin ng kasalanan. Sinasabi ng may-akda na, “ang mga taong may itinatagong mga lihim ay pangkaraniwang mas maraming mga hinaing na pangkatawan at pangkaisipan, kaysa sa mga taong walang itinatago… [including] higit na pagkabalisa, matinding kalumbayan, at mga sintomas sa katawan tulad ng pananakit ng likod at pagsakit ng ulo…Ang kahihiyan sa simula kapag umaamin ng kasalanan ay mas madalas na nahihigitan ng kaginhawahan na dumarating sa pagsasawika ng madidilim na lihim ng sarili.”
Ang mga resultang ito ay inuulit sa Mga Kawikaan 28:13: “Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.”
* Paanong nakatulong sa iyo sa mga nagdaang panahon ang pag-amin ng iyong mga kasalanan? May mga lihim na kasalanan ka bang itinatago, at ayaw mong maisiwalat sa liwanag?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Hango sa kanyang aklat na "AHA," samahan si Kyle Idleman sa kanyang pagtuklas sa 3 elemento na makapagpapalapit sa atin sa Diyos at makapagpapabago sa ating buhay para sa kabutihan. Handa ka na ba sa sandaling ginawa ng Diyos na magpapabago sa lahat ng bagay?
More
Nais naming pasalamatan si David C Cook sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://davidccook.org/books/
Mga Kaugnay na Gabay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Paghahanap ng Kapayapaan

Banal na Patnubay

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Buhay Si Jesus!
