Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Christmas Encouragement By Greg Laurie

ARAW 23 NG 25

Sa Loob ng Hangganan

Kapag inilagay mo ang iyong pananampalataya kay Jesu-Cristo, isang palatandaan ang isinasabit sa iyong leeg na nagsasabing, "Nasa ilalim ng bagong pamamahala." Kayo na ngayon ay kay Jesu-Cristo, at hindi Siya nagpapatakbo ayon sa isang timeshare program. Ang sarap malaman di ba? Hindi niya sinasabi, "Okay, sa akin si Greg sa loob ng anim na buwan, at maaaring makuha siya ng diyablo sa susunod na anim na buwan." Hindi iyon ang nangyayari. Kapag tayo ay naglagay ng ating pananampalataya kay Cristo, Siya ay pumapasok at Siya ang tanging naninirahan sa ating mga puso at buhay.

Bagama't ang isang Cristiano ay hindi maaaring sapian ng demonyo, ang diyablo ay maaaring makaapekto sa isang Cristiano sa kanyang panlabas. Halimbawa, maaaring tuksuhin at apihin ng mga demonyo ang isang Cristiano. Isinulat ni apostol Pablo, "At nang ako'y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang tinik sa laman, ng isang sugo ni Satanas, upang ako'y tampalin, nang ako'y huwag magpalalo ng labis." (2 Mga Taga-Corinto 12:7). Ang salitang "tampalin" ay nangangahulugang suntukin sa mukha. Kaya't ang sinasabi talaga ni Pablo ay, "Oo, nasa ilalim ako ng ilang pag-atake ng demonyo. Ngunit narito ang mabuting balita: hinding-hindi ka bibigyan ng Diyos ng higit sa iyong makakaya.”

Sinasabi sa atin ng Biblia sa Santiago 2:19 na, "Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa." Syempre, dahil lang sa naniniwala kang totoo ang isang bagay ay hindi nangangahulugan na ipinagkakatiwala mo ang iyong sarili dito. Malinaw na ang mga demonyo ay naghihimagsik laban sa Diyos.

Ang pahirap kay Pablo ay pinahintulutan ng Diyos at isinagawa ni Satanas. Kaya maaaring pahintulutan ng Diyos ang diyablo na tuksuhin ka o guluhin ka sa anumang paraan. Ngunit tandaan, hindi ka Niya bibigyan ng higit sa kaya mong kunin. Ang tanging makakapigil sa diyablo ay ang kapangyarihan ni Jesu-Cristo. Siya lang ang ating proteksyon. Siya ang kailangan natin.

Karapatang maglathala © 2011 ng Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ang sipi ay mula sa New King James Version. Karapatang maglathala 1982 ng Thomas Nelson, Inc. Ginamit nang may pahintulot. Lahat ng karapatan ay nakalaan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas Encouragement By Greg Laurie

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie

More

Nais naming pasalamatan ang Harvest Ministries With Greg Laurie sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.harvest.org