Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Ang Kayang Gawin ng Diyos
Hindi talaga taglay ng ating lipunan ang lahat ng sagot sa mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa ngayon. Kabalintunaan, ang lipunan natin ay parang ginagawa ang lahat para papanghinain ang siyang tanging makakatulong sa atin, at siya ay si Jesu-Cristo.
May mga tao na nasilo sa sistema ng batas bilang paulit-ulit na lumalabag. Naroon ang mga hurado na gumagawa ng mga maling pagpapasya. Naroon ang pagkasira ng pamilya. At lahat ng pinagsama-samang elementong ito ay nagbubunga ng isang lipunang wala halos magawa upang baguhin ang puso ng tao. Ang mga pagsisikap sa rehabilitasyon ay kadalasang bigo. Sa katunayan, ang tanging tunay na mga programa na tila nagbubunga ng pangmatagalang pagbabago ay batay sa pananampalataya, at higit na partikular, ay pinamamahalaan ng mga Cristianong tumatawag sa mga tao sa pananampalataya kay Jesu-Cristo. Walang sagot ang lipunan.
Nakilala ni Jesus ang dalawang lalaki na ang buhay ay nasira sa kamay ni Satanas. Walang sagot ang lipunan. Dumating ang Tagapagligtas, si Jesus. Ano ang Kanyang ginawa? Hinanap Niya sila sa libingan at inalok ng pag-asa. Ang totoo niyan, ang salaysay ni Lucas ng kuwento ay nagsasabi kung ano ang nangyari sa mga lalaking naligtas: "Lumabas ang mga tao upang tingnan ang nangyari. Paglapit nila kay Jesus, nakita nila ang taong dating sinasapian ng mga demonyo. Nakaupo siya sa paanan ni Jesus, nakadamit na at matino na ang isip. Sila'y lubhang natakot (Lucas 8:35). Bakit takot ang mga tao? Hindi nila alam kung ano ang iisipin nila. Siya ay tuluyang nagbago at kinatakutan iyon ng mga tao. Hind nila maisip na ang lalaking tulad niya ay mababago sa isang madramang paraan.
Isang maluwalhating bagay kapag binago ni Cristo ang isang tao na hindi mo halos maisip kung ano siya noon. Napagtatanto mo na iyon ang kapangyarihan ng panibagong buhay. At iyon ang kayang gawin ng Diyos.
Karapatang Maglathala© 2011Harvest Ministries. Lahat ng karapatan inilaan. Kasulatan hango sa New King James Version. Karapatang Maglathala © 1982 ni Thomas Nelson, Inc. Ginamit ng may pahintulot. Lahat ng karapatan inilaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More