Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Ano ang Kahulugan ng Pasko
Habang pinagmamasdan natin ang ating mundo ngayon, napapagtanto natin na may bahagi ng pangako ng Isaias 9:6–7 ang hindi pa natutupad. Ang Anak ay naibigay na. Ang Sanggol ay naipanganak na. Ngunit hindi pa naibibigay sa Kanya ang pamamahala. Wala pa tayong kapayapaan sa paghatol at katarungan. Ngunit ang mabuting balita ay darating ang araw na babalik si Cristo. Itatatag Niya ang Kanyang kaharian sa mundong ito. At ito ang magiging matuwid na pamamahala ng Diyos Mismo.
Bago mapasan ni Jesus ang pamahalaan sa Kanyang balikat, kailangan Niyang pasanin ang krus sa Kanyang balikat. Bago Niya maisuot ang korona ng kaluwalhatian bilang Hari ng mga Hari, kailangan Niyang isuot ang kahiya-hiyang korona ng mga tinik at ibigay ang Kanyang buhay bilang isang sakripisyo para sa mga kasalanan ng mundo. Sa unang pagkakataon, isang bituin ang nagmarka sa Kanyang pagdating. ngunit sa susunod na pagdating Niya, ang langit ay gugulong pabalik na parang balumbon, lahat ng mga bituin ay mahuhulog mula sa langit, at Siya mismo ang magsisindi nito.
Naparito si Cristo sa lupa. Lumapit sa iyo ang Diyos para makalapit ka sa Kanya—upang bigyan ng layunin at kahulugan ang iyong buhay, patawarin ka sa iyong mga kasalanan, at bigyan ka ng pag-asa sa langit sa kabila ng kamatayan. Ang Pasko ay hindi tungkol sa mga palamuti o pamimili o mga regalo. Ang Pasko ay hindi tungkol sa mga regalo sa ilalim ng puno. Bagkus, ang Pasko ay tungkol sa regalong ibinigay sa puno noong namatay si Cristo doon para sa ating mga kasalanan at binigyan tayo ng kaloob na buhay na walang hanggan.
Karapatang maglathala © 2011 ng Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ang sipi ay mula sa New King James Version. Karapatang maglathala 1982 ng Thomas Nelson, Inc. Ginamit nang may pahintulot. Lahat ng karapatan ay nakalaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More