Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Christmas Encouragement By Greg Laurie

ARAW 21 NG 25

Ang Pasko ay araw ng kagalakan. Pero para sa akin at sa pamilya ko, may bahid din ito ng kalungkutan, dahil ito ang araw na matinding nararamdaman namin ang pagkawala ni Christopher.

Kailangan kong sabihin sa iyo, gustung-gusto ni Topher ang Pasko! Ito'y isang malaking bagay para sa kanya bilang isang bata, at noong siya'y naging isang ama, gusto niya itong maging isang malaking bagay para sa kanyang mga anak na babae. Palagi siyang nag-iisip sa kanyang pagpili ng mga regalo at madalas na ginagawa ang mga ito sa pamamagitan ng kamay, na napakahalaga para sa akin. May angkin din siyang "galing sa pagbabalot," na wala ako nito ni kaunti.

Noong unang gabi ng Pasko, habang binabantayan ng mga pastol ang kanilang mga kawan, dinala ng anghel ang mabuting balitang ito: “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao" (Lucas 2:10).

Ganito ipinagdiwang ng langit ang unang Pasko. Sa banal na gabing ito, sa diwa, saglit na dumating ang langit sa lupa. Ang langit at lupa ay laging magkasama, ngunit kung minsan ay tila magkahiwalay ang mga ito at sa ibang pagkakataon ay pinaghihiwalay lamang ng manipis na belo. Kapag dumarating ang trahedya, kapag nanaig ang karamdaman, minsan ay tila malayo ang langit.

Ngunit kapag sumama tayo sa mga anghel sa pagsamba, at nakita natin ang Diyos sa Kanyang kadakilaan, ang langit ay tila napakalapit. Para sa atin bilang mga mananampalataya, napakalapit natin sa langit ngayon. Gaya ng sinabi ni David, "alam ko ring ako'y nakabingit sa kamatayan” (1Samuel 20:3).

Mas maganda ang Pasko sa langit kaysa Pasko sa lupa. Ito ay purong kaligayahan. Hindi kumikislap na mga ilaw, kundi ang nagniningning na liwanag ng langit mismo. Hindi mga metal na anghel sa mga puno, ngunit tunay, mga banal na anghel ng Diyos sa buong paligid.

Sa langit ay may kapayapaan. Sa lupa ay may digmaan. Sa langit ay may perpektong pagkakaisa. Sa mundo ay madalas mayroong alitan sa pagitan ng pamilya at mga kaibigan. Sa lupa ay mayroong nakakatabang pagkain na nagpapalaki ng mga baywang.

Hindi natin kailangang magdalamhati para sa ating mga mahal sa buhay na nagdiriwang ng Pasko sa langit, ngunit tayo ay nalulungkot para sa ating sarili sa kanilang pagkawala.

Gayunpaman, sa araw na ito, ipaalam ang pagmamahal sa mga taong mahal mo sa mundo. Sabihin sa kanila sa salita. Dahil hindi mo alam kung ikaw o ako o ang taong mahal natin ay maaaring nasa langit na sa susunod na Pasko.

Karapatang maglathala © 2011 ng Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay inilaan. Ang Banal na Kasulatan ay mula sa New King James Version. Karapatang maglathala © 1982 ni Thomas Nelson, Inc. Ginamit nang may pahintulot. Lahat ng karapatan ay inilaan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas Encouragement By Greg Laurie

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie

More

Nais naming pasalamatan ang Harvest Ministries With Greg Laurie sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.harvest.org