Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Simpleng Balot
Ang ilang mga tao ay magsisikap nang lubos upang makapagbalot ng regalo sa Pasko. Gagawa sila ng magaganda at magarbong mga regalo. Wala akong anumang kakayahan sa pagbabalot. Ang aking mga nakabalot na regalo ay hindi magaganda. Para sa mga lalaki, ang pambalot na papel ay isang hadlang lamang upang ilayo tayo sa kung ano talaga ang gusto natin. Wala kaming pakialam sa pambalot na papel. Gusto lang naming malaman kung ano ang nasa loob ng regalo.
Ang kaloob ng Diyos ay hindi dumating sa atin sa isang magarang pambalot; ito ay dumating sa simpleng pambalot. Si Jesus ay isinilang sa Bethlehem sa isang napakaabang kapaligiran. Isipin kung gaano kahirap ang paglalakbay mula Nazaret patungong Bethlehem para kina Maria at Jose. Pagkatapos, pagdating nila, kailangan nilang manatili sa isang maliit na kuwadra o yungib kung saan nakalagak ang mga hayop. Ang sabsaban ay isang labangan lamang ng mga hayop. At palagay ko'y napakalamig ng lugar na iyon noong gabing iyon. Sa tingin ko'y ang amoy nito ay tulad ng ibang kuwadra. Hindi malinis na kapaligiran kung saan isisilang ang isang bata sa mundo.
Hindi ko sinasabi iyon para bawasan ang kagandahan ng Pasko. Bagkus, sinasabi ko ito upang dagdagan ang kagandahan ng ginawa ng Diyos para sa atin. Ang Lumikha ng sansinukob, ang Makapangyarihang Diyos na nagpahayag ng pag-iral ng paglikha, ay dumating at nagpakababa sa sarili upang maging isang munting sanggol, na ipinanganak sa isang kuwadra sa Bethlehem.
Hindi Siya inihiga sa sabsaban sa malambot na kumot, kundi sa basahan. Hindi Siya inihiga sa isang higaang ginto, na angkop sa isang hari, kundi sa isang labangan ng mga hayop. Naroon Siya—ang pinakadakilang regalo sa lahat—sa simpleng balot. Si Jesus ay pumaroon sa Kanyang lugar sa isang sabsaban upang tayo ay magkaroon ng tahanan sa langit.
Karapatang maglathala © 2011 by Harvest Ministries.Lahat ng karapatan ay inilaan. Ang mga sipi ay mula sa New King James Version. Copyright © 1982 ng Thomas Nelson, Inc. Ginamit nang may pahintulot. Lahat ng karapatan ay inilaan. Ang teksto ng Biblia mula sa New King James Version ay hindi dapat gawin sa mga kopya o kung hindi man sa anumang paraan maliban kung pinahihintulutan sa pagsulat ng Thomas Nelson, Inc., Attn: Bible Rights and Permissions, P.O. Box 141000, Nashville, TN 37214-1000.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More