Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Nawala ba ang iyong Paningin kay Jesus?
Sa isang okasyon noong si Jesus ay labing-dalawang taon, Siya ay nawala. Nawala ang paningin sa Kanya nina Maria at Jose, at inabot ng tatlong araw na paghahanap para Siya ay makitang muli. Sila ay galing sa Jerusalem para sa Paskwa, at noong sila ay pauwi, hindi Siya makita. Pero ito ang nangyaring kakaiba: sila ay naglakbay ng isang buong araw bago nila siya nakaligtaan. Hindi ito dahil nawala ang kanilang pagmamahal para sa Kanya o ang kanilang pananampalataya. Nawala lang nila Siya.
Pwede ba itong mangyari sa atin? Ang sagot ay oo. Posible na lumipas ang isang oras, araw, maski ang isang linggo nang hindi natin naiisip si Jesus. (Hanggang sa dumaan ang problema). Ito ang pinakamadaling gawin sa Pasko. Tayo ay sobrang abala sa pagdidiwang ng kapanganakan ni Cristo na nakakalimutan natin si Cristo. Ito ang araw sa buong taon na marami tayong responsibilidad. At ang tanging bugtong anak ng Diyos ay maaaring maging tanging nakalimutang anak ng Diyos.
Ang isang paraan para mawala sa atin si Jesus ay kapag ang mga hindi importanteng bagay ay pinapalitan ang mga importanteng bagay. Kapag tayo ay abala, madalas na ang ating buhay espiritwal ang unang naaalis. Wala tayong oras para sa salita ng Panginoon. Wala tayong oras para magdasal, kahit sandali lamang. Wala tayong pwedeng maibigay sa Panginoon dahil marami tayong kailangang bilhin. Hinahayaan natin ang mga hindi importante na palitan ang mga mahahalagang bagay.
Kapag may nawawala sa akin, binabalikan ko ang mga hakbang ko. Saan ko ito huling hawak? Bumabalik ako sa lugar na iyon, at madalas nahahanap ko doon.
Kapag napansin mo na nawala sa iyo si Jesus dahil sa mga pinagkaka-abalahan sa buhay, kailangan mong bumalik kung nasaan ka dati. At ang magandang balita ay kahit na mawala ang paningin natin kay jesus, hindi nawawala ang paningin Niya sa atin.
Copyright © 2011 by Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ang mga sipi sa banal na kasulatan ay kinuha mula sa Banal na Biblia, New Living Translation, copyright 1996, 2004, 2007. Ginamit nang may pahintulot ng Tyndale House Publishers, Inc., Wheaton, Illinois 60189. Lahat ng karapatan ay nakalaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More