Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Tayo'y Sumamba
Nawala na ang mismong kahulugan ng salitang "Pasko", nakaladkad, at nang ito'y ibalik sa atin, wala na itong kapangyarihan. Mas gusto ng ilan na gamitin ang mas wastong terminolohiya sa pulitika sa ganitong panahon, tulad ng "Happy Holidays," "Merry Xmas," o maging "Happy Winter Solstice." Pero sa tingin ko, hindi naman kasing sama ng isang taong nagsasabing, "Maligayang Pasko" na walang ideya kung ano ang tunay na kahulugan ng Pasko.
Sa tingin ko'y dapat nating kanselahin ang bersyon ng Pasko na puno ng ingay at walang katapusang aktibidad na humahantong sa pagkahapo, ang bersyon na nagbibigay ng napakakaunting pag-iisip tungkol kay Cristo. Dapat nating kanselahin ang Pasko at sa halip ay ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesu-Cristo. Naniniwala pa rin ako sa Pasko, ngunit hindi sa pistang ipinagdiriwang ng ating kultura. Naniniwala ako sa tunay na mensahe ng Pasko, ang pagsilang ng ating Panginoon.
Marahil ay inihahanda mo ang iyong sarili para sa isang mahirap na Pasko. Marahil ay iniisip mo na hindi magiging maganda ang Pasko ngayong taon gaya ng dati. Ngunit paano kung ang Paskong ito ay mas maganda kaysa sa anumang Pasko na naranasan mo, dahil napalaya ka na mula sa bigat ng pagbili ng kung anu-anong gamit? Maaaring maging isang napakagandang Pasko nito. Maaaring ito na talaga ang pinakamagandang Pasko ng iyong buhay.
Ang pangunahing mensahe ng Pasko ay ito: Kasama natin ang Diyos. Sinasabi sa atin ng Isaias 7:14, "Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan:
Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel." Ang ibig sabihin ng Emmanuel ay, “Ang Diyos ay kasama natin.”
Kaya ang mensahe ng panahon ay hindi, "Hayaan itong mag-snow"; o maging, "Mag-shopping tayo." Ang tunay na mensahe ng Pasko ay, "Sumamba tayo." Iyan ang ginawa ng mga pantas. At iyan din ang dapat nating gawin.
Karapatang maglathala © 2011 ng Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay inilaan. Ang sipi ay mula sa New King James Version. Copyright © 1982 by Thomas Nelson, Inc. Ginamit nang may pahintulot. Lahat ng karapatan ay inilaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More