Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Ang Diyos ay Kasama Natin
Emmanuel: Ang Diyos ay kasama natin—ang Diyos ay naparito sa atin. Nakakamanghang isipin. Ito talaga ang diwa ng pananampalatayang Cristiano at buhay Cristiano. Ang lahat ng iba pang mga relihiyosong ideolohiya ay nagsasabi sa iyong dapat kang gumawa ng isang bagay: Gawin ito, at makakatagpo ka ng panloob na kapayapaan. Gawin mo ito, at mararating mo ang nirvana. Gawin mo ito, at baka makarating ka sa langit. Ngunit sinasabi ng Cristianismo na ito ay tapos na—ginawa para sa iyo sa Krus, binayaran ng dugo ni Jesu-Cristo.
Ang pagiging Cristiano ay hindi lamang pagsunod sa isang paniniwala; ito ay ang pagkakaroon ng Cristo mismo na nabubuhay sa iyo at sa pamamagitan mo, na nagbibigay sa iyo ng lakas upang maging lalaki o babae na tinawag Niya. Sinabi ni Jesus, "Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon" (Mateo 28:20) at “Hindi kita iiwan ni pababayaan man” (Mga Hebreo 13:5).
Ang mensahe ng Pasko ay kasama natin ang Diyos. Mahalagang malaman iyon, lalo na sa mga panahong dumaranas tayo ng matinding kahirapan. Sinabi ng salmista, "kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan, o kaya ang tirahan ko'y ang duluhan ng kanluran; tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan" (Mga Awit 139:9-10). Napakagandang malaman na kasama mo ang Diyos saan ka man magpunta.
Hindi kailanman itinuturo ng Biblia na magkakaroon tayo ng buhay na walang problema bilang mga tagasunod ni Cristo. Ngunit itinuturo ng Biblia na hindi tayo mag-iisa. At dahil diyan, wala tayong dapat ikatakot. Tulad ng sinabi ni Ray Stedman, "Ang pangunahing tanda ng Cristiano ay dapat na ang kawalan ng takot at ang pagkakaroon ng kagalakan."
Ito ang mensahe na kailangang marinig ng mundong ito na puno ng kasalanan: Emmanuel—ang Diyos ay kasama natin.
Karapatang maglathala © 2011 ng Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay inilaan. Ang Banal na Kasulatan ay mula sa New King James Version. Karapatang maglathala © 1982 by Thomas Nelson, Inc. Ginamit nang may pahintulot. Lahat ng karapatan ay inilaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More