Paskong Pampasigla ni Greg LaurieHalimbawa

Huwag Palampasin ang Pasko
"Galak sa mundo! Ang Panginoon ay dumarating. Hayaan tanggapin ng mundo ang kanyang Hari! Hayaan ang bawat puso na maghanda ng Kanyang silid."
—Galak sa Mundo
Ngayong Pasko, huwag palampasin ang punto ng pagdiriwang ng Pasko. Huwag matulad sa tagapagbantay ng tuluyan na pinalampas niya si Jesus dahil masyado siyang abala (tingnan ang Lucas 2). Maglaan ng panahon para sa Panginoon. Huwag maging katulad ni Haring Herodes na masyadong takot na hayaang maghari si Cristo sa kanyang buhay (tingnan ang Mateo 2). Ibaling ang iyong puso kay Cristo. Sa pagtatapos, huwag patakbuhin ang iyong buhay katulad ng Emperyo ng Roma, na pinalampas ang Pasko dahil kinuha ng ibang mga diyos ang dako ni Cristo sa kanilang mga buhay. Payagan na walang ibang aagaw ng dako ng pagsamba para kay Jesu-Cristo.
Sa kinaumagahan ng Pasko ay bubuksan natin ang mga regalong Pamasko, pero kukupas din lahat ang kasiyahan nito. Ang regalo na noon ay katangi-tangi sa iyo ay matatambak lang sa aparador o kaya ay ipapamigay lang sa iba. Darating ang mas bagong bersyon ng iyong pinakabagong gadget na mas maraming megapixels, o mas maliit, o mas mabilis, o mas matagal ang buhay ng baterya. Pagkalipas, ang Pamaskong regalo mo ay halos makalimutan na. Ngunit ibinigay ng Diyos sa atin ang sukdulang regalo—ang regalo ng Kanyang Anak na si Jesu-Cristo.
Ngayong taong ito huwag palampasin ang Pasko. Tulad ng minsang naisulat noon ni Watts at Handel, "Hayaang bawat puso ay maghanda ng Kanyang silid."
Karapatang Maglathala © 2011 ni Harvest Ministries. Lahat ng karapatan ay inilaan.Kasulatan hinango sa Bersyon ng New King James. Karapatang Maglathala © 1982 ni Thomas Nelson, Inc. Ginamit na may pahintulot. Lahat ng karapatan inilaan.
Tungkol sa Gabay na ito

Huwag hayaan ang kaabalahan at kabagabagan ng panahon ng Kapaskuhan ay nakawin sa iyo ang kagalakan at tunay na pagdiriwang ng ating Tagapagligtas na si Jesus ngayong Disyembre! Tumanggap ng araw-araw na pampasigla mula sa natatanging Paskong debosyon ni Pastor Greg Laurie, sa kanyang pagninilay sa tunay na kahulugan nitong pinakaipinagdiriwang na panahon ng taon. Harvest Ministries with Greg Laurie
More