Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagdadalamhati Nang May Pag-asa Pagkatapos Makunan at Mawalan Ni Adriel BookerHalimbawa

Grieving With Hope After Miscarriage And Loss By Adriel Booker

ARAW 7 NG 7

Ika-7 Araw


Pag-asa ng Langit


Banal na Kasulatan: Isaias 43:2





Minsan iniisip natin si Jesus bilang “mabuting tao” na nagtatakip sa isang Diyos na hindi natin maunawaan. Palihim nating pinaparatangan ang Diyos na nagiging dahilan ng ating paghihirap, sa kabila ng pagkakatawang-tao na nagpapakita sa atin na ang kabaligtaran ang totoo: ang Diyos mismo ay ipinanganak sa ating kaguluhan upang baguhin ito. Hindi Niya ginawa ang kaguluhan. Hindi Niya "pinayagan" ang kaguluhan. Binaligtad Niya ito at tinubos ito. 



Ang paghihirap ay maaaring ang eksaktong bagay na nagdadala sa iyo sa malalim na pakikipagniig kay Cristo dahil ganyan gumawa ang pagtubos: Nagagawa nitong mabuhay ang mga patay. Paliwanagin ang kadiliman ng Kaniyang ilaw. Nagiging mabuti ang sinimulan sa masama. 



Ito ang ating pangako sa paghihirap: Sa ating malalim na pagdadalamhati, Siya ay naroroon. At sa kailaliman ng ating kalungkutan, Siya ay gumagawa upang gawing bago ang lahat. Maaaring hindi natin makita ang kinalabasan ng pangakong ito sa mga kaparaanan o takdang panahon na gusto natin, subalit hindi ito nagpapawalang-bisa sa Kaniyang planong katubusan: muling pagkabuhay, bagong buhay, wala nang luha, ang pag-asa ng langit. 



Huwag kailanman isipin na ikaw ay iniwan sa iyong sakit. Huwag kailanman isipin na papayagan Niya na ito ay masayang. Huwag kailanman isipin na ang tila sira o walang buhay ay hindi na maaaring magawa at mabago sa kapanganakan ng buhay. Huwag kailanman isipin na ang iyong pagtangis ay walang kabuluhan. Huwag kailanman isipin na ang pag-asa ay patay na. 



Ang Diyos ay nariyan, tumatangis na kasama mo. Siya ay kumikilos, humuhubog ng kasaysayan patungo sa ganap na pagtubos. Ang pagtubos ay hindi nagbibigay sa kamatayan na walang halaga; nangangahulugan ito na ang kamatayan ay walang huling salita. 



Hindi kinuha ng Diyos ang iyong anak. Ang kamatayan ay pumasok sa mundo dahil sa malayang kalooban ng sangkatauhan. Ang buhay ay nakapasok, muli, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 



Makatitiyak ka, kaibigan, na kahit ang iyong pinakamatinding kalungkutan ay hindi makahihigit sa abot ng pagtubos ng Diyos. Kaya Niya, ginagawa Niya at lalapit Siya sa iyo sa iyong paghihirap; kaya Niya, ginagawa Niya at bibigyan Niya ng kahulugan ito. Pakakawalan Niya ang Kaniyang biyaya sa hustong sukat na kailangan mo at gagawin Niya ang lahat ng posibleng paraan upang tubusin ang iyong sawing puso. Ito ang Kaniyang pangako.



Ang paghihirap ay maaaring makapagpahina sa iyo, subalit ito rin ay pupukaw sa iyo habang binubuksan mo ang iyong puso sa pag-asa, sa posibilidad at sa presensya. Sana ay mahanap mo si Jesus sa kailaliman.






Sa pagtatapos ng debosyonal na ito, subukang isulat ang iyong sariling kuwento ng pangungulila. Maglagay ng mas maraming detalye hangga't maaari. Subukang huwag isulat ang mga aral na iyong natutunan. Hayaang ito ay maging isang simpleng pagsasanay ng pagsasalaysay ng iyong kuwento. At pagkatapos, habang ginagawa mo ito, hilingin kay Jesus na ipakita sa iyo ang Kaniyang presensya. Ibigay mo sa Kaniya ang iyong kuwento. . . at hilingin sa Kaniya na ipagpatuloy ang pagsusulat.





Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Grieving With Hope After Miscarriage And Loss By Adriel Booker

Ang debosyonal na ito ay isang paanyaya upang maramdaman, makipaglaban, maging lubos na gising sa iyong paghihirap pagkatapos makunan o iba pang pagkawala. Ito rin ay isang paanyaya na dapat pangalagaan at unawain at dap...

More

Nais naming pasalamatan ang Baker Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://adrielbooker.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya