Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagdadalamhati Nang May Pag-asa Pagkatapos Makunan at Mawalan Ni Adriel BookerHalimbawa

Grieving With Hope After Miscarriage And Loss By Adriel Booker

ARAW 4 NG 7

Ika-4 na Araw


Dumating Nawa ang Iyong Kaharian


Banal na Kasulatan: Mateo 6:10





Nang ipakita ni Jesus kung paano manalangain sa Mateo 6:10, kinilala Niya sa Kaniyang panalangin na ang kalooban ng Diyos ay hindi laging ginagawa dito sa mundo, subalit dapat nating ipanalangin na mangyayari ito. 



Ang mga sanggol ay namamatay bago pa sila isilang. Ang karahasan ay sumisira sa mga komunidad. Ang mga bilanggo ay ginugulpi at pinahihirapan. Ang mga bansa ay nagbubulag-bulagan sa pagpatay ng lahi na nangyayari sa karatig-bansa. Ang pagtatangi ng lahi ay pumapatay ng pangarap at kumikitil ng buhay. Ang pang-aabuso ay sumisira ng mga pamilya. Ang pagkamakasarili ay nagpapasama sa mga pamahalaan. Ang pagpapabaya at kawalan ng malasakit ay sumisira sa mga dagat at gubat. 



Maaari tayong manood ng balita at makita na ang kalooban ng Diyos ay hindi palaging nangyayari; tila kitang-kita na ang mga kalupitan tulad ng kilabot ng digmaan ay hindi kumakatawan sa puso o layunin ng Diyos. Ngunit paano kung ito ay may kinalaman sa ating buhay, sa ating sanggol? Paniniwalaan ba natin ito? Paniniwalaan ba natin na angkop pa rin ang panalangin ni Jesus? 



Nawa'y maghari Ka sa amin. Sundin nawa ang Iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.



Naghihirap tayo sapagkat nabubuhay tayo sa mundo na kung saan ang mga bagay ay hindi nararapat. Hindi ito ang disenyo ng Diyos; hindi tayo nilikha upang magdusa. Ang kuwento ng tao ay nagmula sa kabanata 1 ng Genesis, hindi sa kabanata 3. 



Ang paghihirap ay nangyayari hindi dahil ito ang layunin ng Diyos o kalooban sa ating mga buhay. Ito ay nangyayari sapagkat nilikha Niya tayo na may kakayahang umibig, at ang pag-ibig ay palaging nangangailangan ng malayang kalooban—hindi ito sapilitan. Sa kalayaang loob ng sangkatauhan ay dumating ang kahanga-hanga, kakila-kilabot na kakayahang sumuway laban sa Pag-ibig. Ang ating pagsuway sa halamanan ay nagtakda upang kumilos ang mundo patungo sa paghihirap, at ito ay patuloy na umiikot ngayon, na nagdudulot ng pagkawasak. 



Hindi ito ang kalooban ng Diyos noon, at hindi ito ang kalooban ng Diyos ngayon. 



Lahat ng mga taon pagkatapos ng nangyari sa Eden, patuloy pa rin tayong dumadaing sa bigat ng kalungkutan. Si Jesus ay dumating, subalit naghihintay pa rin tayo sa Kaniya na bumalik. Iniligtas Niya tayo sa ating mga sarili, at patuloy Niya tayong inililigtas habang tayo ay pinupukaw sa mga layunin sa ating mga buhay. Ang kaharian ng Diyos ay narito, at bawat araw ito ay itinatatag pa habang tayo ay nabubuhay dito at pinapayagan ang Diyos na gamutin tayo at gamutin ang mga nilikha sa pamamagitan natin. 



Subalit sa pagitan natin ay nanatili ang problema. Pinanghahawakan natin ang pangako ng pag-asa sa isang panig at ang katotohanan ng isang mundo na nahawaan ng pagsuway sa kabilang panig. Ito ang dahilan kung bakit tayo ay patuloy na nananalangin, Nawa'y maghari Ka sa amin, sundin nawa ang Iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.. Siya nawa.






Nakapagpapalakas ba o nakapagpapahina ng loob na malaman na ang ilan sa mga panalangin ni Jesus ay nananatiling walang kasagutan? Bakit? Binabago ba nito ng katotohanan na ang Diyos ay may huling pananalita sa pagbalik Niyang muli?


Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Grieving With Hope After Miscarriage And Loss By Adriel Booker

Ang debosyonal na ito ay isang paanyaya upang maramdaman, makipaglaban, maging lubos na gising sa iyong paghihirap pagkatapos makunan o iba pang pagkawala. Ito rin ay isang paanyaya na dapat pangalagaan at unawain at dap...

More

Nais naming pasalamatan ang Baker Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://adrielbooker.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya