Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagdadalamhati Nang May Pag-asa Pagkatapos Makunan at Mawalan Ni Adriel BookerHalimbawa

Grieving With Hope After Miscarriage And Loss By Adriel Booker

ARAW 5 NG 7

Ika-5 Araw


Isang Paanyaya Upang Managhoy


Banal na Kasulatan: Mga Awit 130:1-2





Wala akong naranasan na mas maging desperado para sa pag-asa ng pagdating ng kaharian sa pagkakasaklang sa palikuran, dumudugo ang buhay mula sa aking sinapupunan. Hindi ko akalain na ako ay iiyak nang gayon na lamang. O aasa nang gayon na lamang. 



Habang ipinagluluksa ang pagkamatay ng aking mga anak, kinakailangang matutunan ko ang awit ng panaghoy. Ang panaghoy ay ang wika ng pagdadalamhati na nababahiran ng pag-asa para sa kaligtasan. Ito ay bago sa akin, nakakaasiwa at hindi pamilyar. Ako ay lumaki na umaawit kung gaano kahanga-hanga ang Diyos at kung paanong ang aking kaluluwa ay nananabik sa Kaniya at kung paanong si Jesus ay nagniningning, ngunit ang pagsasatinig sa pagdadalamhati at pagkawasak —ito ay natutunan ko sa madilim, bukas na mga bisig, habang nadarapa sa aking pagpapatuloy. 



Ang panaghoy ay higit pa sa kalungkutan; kinikilala ng panaghoy ang kawalan ng katarungan na kahalo ng ating sakit. Halos kalahati ng mga salmo ay nakalaan sa panaghoy—parehong pangkalahatan at personal—subalit ito ay wala sa ating mga himnaryo sa tuwing Linggo nang umaga. Mas komportable nating ipinagdiriwang ang tagumpay ni Jesus kaysa sa maglaan ng lugar sa kadahilanang kailangan natin iyon. Kaya, kapag ang paghihirap ay dumating na parang bolang apoy sa ating matiwasay na kinalalagyan—tulad nito—tayo ay nagugulat. 



Ang panaghoy ay nag-aanyaya sa atin sa isang lugar ng pagbabago. Ang salitang liminalay nagbibigay ng kaisipan ng isang hangganan—isang agwat sa pagitan ng nakaraan at mangyayari pa. Ang pakahulugan nito ay ang pagsulong sa isang bagong bagay, nang hindi muna binabago ang nasa pagitan. Ang mga lugar ng pagbabago ay nakapagpaparamdam ng pagkalito dahil ito ay sadyang nakalilito. 



Sa gitna ng pagdadalamhati, tila ang iyong mundo ay gumuguho at hindi mo pa masulyapan ang bago. Nararamdaman mo ang pagkilos patungo sa bagong uri ng pananampalataya habang napapagtanto mo na ang kabutihan ng Diyos ay hindi batay sa iyong kalagayan o sa panukat na ginagamit mo kung ang buhay ay panatag. (Hindi ko alam sa iyo, subalit minsan ako ay nakakaramdam ng pagkakasala sa pagsasaya sa panatag na pamumuhay at sa pagsasabi, "Di ba't mabuti ang Diyos?!" habang nakakalimutan na sabihin ang Kaniyang kabutihan kung ang buhay ay naglalahad sa masakit na pamamaraan.) 



Ito ay parang pag-aaral na buksan ang iyong mga mata sa ilalim ng tubig: Kahit na alam mong ito ay posible, ito ay nakakaasiwa, nakakatakot, at mahirap sa umpisa. Subalit habang dumadalas ang iyong pagsasanay, mas natural at malaya ang iyong pakiramdam. Ang mga mata ay nakabukas sa kabutihan ng Diyos—kahit na sa gitna ng pangungulila—nagpapabago rin kung paano tinitingnan ang mga bagay. 






Ano ang hitsura ng panaghoy sa iyong buhay ngayon? Naranasan mo na ba ang lugar ng pagbabago ng panaghoy, na parang ikaw ay nasa pagitan ng buhay na alam mo at sa buhay na mangyayari pa? (Ipaliwanag.)





Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Grieving With Hope After Miscarriage And Loss By Adriel Booker

Ang debosyonal na ito ay isang paanyaya upang maramdaman, makipaglaban, maging lubos na gising sa iyong paghihirap pagkatapos makunan o iba pang pagkawala. Ito rin ay isang paanyaya na dapat pangalagaan at unawain at dap...

More

Nais naming pasalamatan ang Baker Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://adrielbooker.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya