Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagdadalamhati Nang May Pag-asa Pagkatapos Makunan at Mawalan Ni Adriel BookerHalimbawa

Grieving With Hope After Miscarriage And Loss By Adriel Booker

ARAW 2 NG 7

Ika-2 Araw


Ang Bangis ng Pagdadalamhati


Banal na Kasulatan: Mga Awit 69:1-4





Naaalala ko ang mga araw ng pagnanais na gumapang patungo sa isang kuweba, maghanap ng lugar upang mamaluktot doon nang may lumbay, at hindi na magising. Hindi ko naman talaga ninanais na mamatay, hindi ko lang alam kung paano mabuhay sa ilalim ng bigat ng aking kalungkutan at wasak na mga inaasam.



Mula sa kung saan, ang kalungkutan ay tatama sa akin na parang matinding init, dumadagan sa aking dibdib, iniiwan akong desperado na tanggalin ang mga suson upang maginhawaan ako. Subalit kahit na nakakaranas ng matinding lungkot, naaalala ko rin ang pakiramdam ng katamisan ng presensya ng Diyos sa ilang mga madidilim na sandali. May nagsabi sa akin na ang Kaniyang katahimikan ay hindi pag-iwan—ito ay pakikisama. 



Ito ay hindi nagsasabi na nararamdaman ko palagi ang Kaniyang presensya, o na ako ay hindi nagnanais ng bagay na mas mapanghahawakan—isang haplos o isang salita. (Ang billboard na may kumukuti-kutitap na mga ilaw na may dalawang bahaghari sa likuran ay mas mainam sana.) Subalit kahit na nararamdaman ko na ako ay nangangapa sa dilim, kahit papaano ay alam ko na mayroong Diyos na batid ang kirot at kasama ko rin sa aking kirot. 



Maaaring hindi ito ang inyong karanasan. Maaaring ikaw ay nagtataka kung paanong ang iyong kaluluwa ay makapagpapahinga pa pagkatapos ng pakiramdam na parang walang katapusang pagdadalamhati o isang pananampalataya na hindi pa ganap na gumaling. Maaaring ang Diyos ay tila wala o tahimik. O maaaring ang mga salitang—"walang pintig ang puso"—ay kasasabi lamang sa iyo at naghahanap ka ng pandugtong-buhay. Maaaring ikaw ay nag-iisip kung mararamdaman mo pang muli na maging malapit sa Diyos o kung ang iyong pananampalataya ay mapanghahawakan pa habang naghihintay. Maaaring nais mo lang na malaman na hindi ka nag-iisa. 



Sana masabi ko sa iyo na "mararamdaman" mong malapit si Jesus sa panahong kailangang-kailangan mo Siya, ngunit hindi ko masabi. Sino ako na magpapalagay na ang aking karanasan ay maisasalin sa iyo? Hindi, ayoko. At ito, kaibigan, ang katotohanan ng pagdadalamahati: Ito ay mabangis. Ang pagdadalamhati ay hindi sumusunod sa isang plano. Hindi nito iniisip ang anumang flowchart. Hindi ito nagtsetsek sa mga kahon, hindi nakalagay sa iyong paboritong listahan ng app, at tiyak na hindi mananatili sa iyong kalendaryo. 



Ang pagdadalamhati ay mabangis katulad ng dagat, subalit hindi kinakailangang sirain tayo nito. Hindi natin ito matatalo, subalit makokontrol natin ito, at matatagpuan din natin dito si Jesus. 






Paanong naging mabangis ang pagdadalamhati, sa halip na maamo, sa iyong buhay kamakailan lamang?





Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Grieving With Hope After Miscarriage And Loss By Adriel Booker

Ang debosyonal na ito ay isang paanyaya upang maramdaman, makipaglaban, maging lubos na gising sa iyong paghihirap pagkatapos makunan o iba pang pagkawala. Ito rin ay isang paanyaya na dapat pangalagaan at unawain at dap...

More

Nais naming pasalamatan ang Baker Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://adrielbooker.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya