Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng kumilala at sumampalataya sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila'y muli kong bubuhayin sa huling araw.” Nagbulung-bulungan ang mga Judio dahil sa sinabi niyang, “Ako ang tinapay na bumabâ mula sa langit.” Sinabi nila, “Hindi ba ito si Jesus na anak ni Jose? Kilala natin ang kanyang ama't ina. Paano niya masasabi ngayong, ‘Bumabâ ako mula sa langit’?” Kaya't sinabi ni Jesus, “Tigilan ninyo ang inyong bulung-bulungan. Walang makakalapit sa akin malibang akayin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin. At ang lalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw. Nasusulat sa aklat ng mga propeta, ‘At silang lahat ay tuturuan ng Diyos.’ Ang bawat nakikinig sa Ama at natututo sa kanya ay lalapit sa akin. Hindi ito nangangahulugang may nakakita na sa Ama; ang nagmula sa Diyos ang tanging nakakita sa Ama. Pakatandaan ninyo: ang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan. Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay. Kumain ng manna ang inyong mga ninuno nang sila'y nasa ilang, ngunit sila'y namatay. Narito ang tinapay na bumabâ mula sa langit upang ang sinumang kumain nito ay hindi na mamatay. Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumabâ mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay ay ang aking katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan.” Dahil dito'y nagkaroon ng mainitang pagtatalu-talo ang mga Judio, “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang makain natin?” Sinabi ni Jesus, “Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya. Buháy ang Ama na nagsugo sa akin at ako'y nabubuhay dahil sa kanya. Gayundin naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang tinapay na bumabâ mula sa langit. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga ninuno sa ilang; namatay sila kahit na kumain niyon. Ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.” Sinabi ito ni Jesus sa sinagoga habang siya'y nagtuturo sa Capernaum. Narinig ito ng kanyang mga alagad at marami sa kanila ang nagsabi, “Mabigat na pananalita ito; sino ang makakaunawa nito?” Alam ni Jesus na nagbubulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol dito; kaya't sinabi niya, “Dahil ba rito'y tatalikuran na ninyo ako? Gaano pa kaya kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng Tao papunta sa dati niyang kinaroroonan? Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritung nagbibigay-buhay. Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin.” Alam na ni Jesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi mananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya. Idinugtong pa niya, “Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makakalapit sa akin malibang ito'y loobin ng Ama.” Mula noo'y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Tinanong ni Jesus ang Labindalawa, “Kayo naman, gusto rin ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo'y natitiyak namin na kayo nga ang Banal na mula sa Diyos.” Sumagot si Jesus, “Hindi ba't ako ang humirang sa inyong Labindalawa? Sa kabila nito'y diyablo ang isa sa inyo!” Ang tinutukoy niya'y si Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagkat si Judas na kabilang sa Labindalawa, ang siyang magkakanulo sa kanya.
Basahin Juan 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Juan 6:40-71
5 Days
Through these comprehensive daily readings, learn how to wait on God's timing in all aspects of life, from healing to relationships. Discover how to make the most of the waiting season and pray according to God's will. This devotional is based on Everybody Wants to Win, But Nobody Wants to Wait by Marcus Gill.
6 Days
Once upon a time there was a version of our faith that was practically . . . irresistible. In this devotional by Andy Stanley, you'll consider the faith modeled by our first-century brothers and sisters who had no official Bible and no status, yet they initiated a chain of events that resulted in the most significant and extensive cultural transformation the world has ever seen.
7 Days
Advent is simply a season of expectant waiting and preparation. Join pastor and author Louie Giglio on an Advent journey to discover that waiting is not wasting when you're waiting on the Lord. Take hold of the chance to uncover the vast hope offered through the journey of Advent. In the next seven days you'll find peace and encouragement for your soul as anticipation leads toward celebration!
10 Days
Salvation Rise takes a closer look at the Scripture that inspired the songs on NewSpring Worship's latest album. Written for new Christians, this 10-day study is a celebration of who God is, what He's done, and all He has in store for us next. Go to https://newspring.cc/music/salvation-rise to buy the album or to download chord charts and performance tracks.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas