Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, Na nagsisihiwalay sa iyong mga utos. Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; Sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo. Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; Nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan. Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran. At aking mga tagapayo. Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: Buhayin mo ako ayon sa iyong salita. Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: Sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa. Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: Iyong palakasin ako ayon sa iyong salita. Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: At ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan. Aking pinili ang daan ng pagtatapat: Ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko. Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan. Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, Pagka iyong pinalaki ang aking puso. Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; At aking iingatan hanggang sa wakas. Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; Sapagka't siya kong kinaaliwan. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, At huwag sa kasakiman. Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, Na ukol sa takot sa iyo. Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; Buhayin mo ako sa iyong katuwiran. Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, Sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita. Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; Sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita. At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; Sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan. Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi Magpakailan-kailan pa man. At lalakad ako sa kalayaan; Sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin. Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, At hindi ako mapapahiya. At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, Na aking iniibig. Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; At ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.
Basahin MGA AWIT 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 119:21-48
30 Days
Have you ever wondered, “Is it possible to experience joy in all seasons of life?” Carol McLeod believes that God has an enormous joy for you that is within your reach. In this devotional, you will discover how to trust God when life isn’t fair, how to ponder Scripture that transforms your thinking and how to turn disappointment into a heart that rejoices in the middle of uncertainty.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas