Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 119:21-48

Mga Awit 119:21-48 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ang mga mapagmataas, iyong pinaparusahan; at iyong isinusumpa ang sa utos mo ay laban. Sa ganitong mga tao'y ilayo mo akong ganap, yamang ang iyong kautusan ay siya kong tinutupad. Kahit ako ay usigi't labanan ng pamunuan, itong iyong abang lingkod sa utos mo'y mag-aaral. Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw, siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin. Ako'y gapi't lupasay na sa bunton ng alikabok, sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. Ang aking mga gawang kamalia'y pinatawad mo, ang tuntunin mo at aral, sa lingkod mo'y ituro. Tulungang maunawaan, iyong mga kautusan, iyong kahanga-hangang gawa, lubos kong pag-aaralan. Damdam ko ba sa sarili, naghahari'y pawang lungkot; sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. Sa landas na di matuwid, huwag mo akong hahayaan, pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral. Ang pasya ko sa sarili, ako'y maging masunurin, sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling. Itong mga tuntunin mo, O Yahweh, ay sinunod ko; huwag nawang hahayaang mapahiya ang lingkod mo. Ang lahat mong mga utos, ay malugod kong susundin, dahilan sa pang-unawang ibibigay mo sa akin. Ituro mo, O Yahweh, layunin ng kautusan, at iyon ang susundin ko habang ako'y nabubuhay. Ituro mo ang batas mo't sisikapin kong masunod, buong pusong iingatan at susundin ko nang lubos. Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan, pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam. Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos. Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay. Tuparin mo ang pangakong ginawa sa iyong lingkod, ang pangako sa lahat ng sa iyo ay natatakot. Iligtas mo ang lingkod mo sa sinumang mapang-uyam, sa mabuting tuntunin mo, humahanga akong tunay! Ang lahat ng tuntunin mo, ang hangad ko'y aking sundin, pagkat ikaw ay matuwid, kaya ako'y pagpalain. Sa akin ay ipadama ang dakilang pag-ibig mo, ayon sa pangako, Yahweh, iligtas mo ako; upang yaong nanlalait sa akin ay masagot ko, yamang ako'y may tiwala sa lahat ng salita mo. Tulungan mong ihayag ang mga katotohanan, pagkat ako'y may tiwala sa tapat mong kahatulan. Lagi akong tatalima sa bigay mong kautusan, susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay. Ako nama'y mamumuhay nang payapa at malaya, yamang ako sa utos mo'y sumusunod namang kusa. At maging sa mga hari, ang utos mo'y babanggitin, hindi ako mahihiya na ito ay aking gawin. Sa pagsunod sa utos mo nalulugod akong labis, di masukat ang galak ko, pagkat aking iniibig. Mahal ko ang iyong utos, ito'y aking ginagalang, sa aral mo at tuntunin ako'y magbubulay-bulay.

Mga Awit 119:21-48 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Ang mga hambog ay sinasaway ninyo at isinusumpa ang mga lumalabag sa mga utos ninyo. Ilayo ninyo ako sa kanilang panghihiya at pangungutya, sapagkat sinusunod ko ang inyong mga turo. Kahit na magtipon ang mga namumuno at magsalita laban sa akin, akong lingkod ninyo ay patuloy na magbubulay-bulay sa inyong mga tuntunin. Ang inyong mga turo ay nagbibigay sa akin ng kagalakan, at nagsisilbing aking tagapayo. Akoʼy parang mamamatay na, kaya akoʼy panatilihin ninyong buháy ayon sa inyong pangako. Sinabi ko sa inyo ang tungkol sa aking pamumuhay at akoʼy pinakinggan ninyo. Ituro ninyo sa akin ang inyong mga tuntunin. Ipaunawa ninyo sa akin ang inyong mga tuntunin, upang pagbulay-bulayan ko ang inyong kahanga-hangang mga gawa. Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin ninyo ako ayon sa inyong pangako. Ilayo ninyo ako mula sa paggawa ng masama, at tulungan ninyo akong sundin ang inyong kautusan. Pinili ko ang tamang daan, gusto kong sumunod sa inyong mga utos. PANGINOON, sinunod ko ang inyong mga turo, kaya huwag ninyong papayagang mapahiya ako. Pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga utos, dahil pinapalawak ninyo ang aking pang-unawa. PANGINOON, ituro ninyo sa akin ang inyong mga tuntunin, at habang nabubuhay, itoʼy aking susundin. Bigyan ninyo ako ng pang-unawa sa inyong kautusan, at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan. Pangunahan ninyo ako sa aking pagsunod sa inyong mga utos, dahil ito ang aking kasiyahan. Bigyan ninyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman. Ilayo ninyo ako sa mga bagay na walang kabuluhan. Ingatan ninyo ang aking buhay ayon sa inyong pangako. Tuparin ninyo ang inyong ipinangako sa akin na inyong lingkod, na ipinangako ninyo sa mga may takot sa inyo. Alisin ninyo ang mga kahihiyan na aking kinatatakutan, dahil ang inyong mga tuntunin ay pawang kabutihan. Gusto kong sundin ang inyong mga tuntunin. Sa inyong katuwiraʼy, ingatan ninyo ang aking buhay. PANGINOON, ipakita ninyo ang inyong pag-ibig at pagliligtas sa akin, ayon sa inyong pangako. Pagkatapos sasagutin ko ang mga kumukutya sa akin, dahil akoʼy nagtitiwala sa inyong mga salita. Tulungan ninyo akong masabi ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon, dahil ang pag-asa ko ay nakasalalay sa inyong mga utos. Lagi kong susundin ang inyong kautusan habang akoʼy nabubuhay. Mamumuhay akong may kalayaan, dahil pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga tuntunin. Hindi ko ikakahiyang sabihin ang inyong mga turo sa harapan ng mga hari. Nagagalak akong sundin ang inyong mga utos dahil mahal ko ang mga ito. Iginagalang ko ang inyong mga utos na aking minamahal, at pinagbubulay-bulayan ko ang inyong mga tuntunin.

Mga Awit 119:21-48 Ang Biblia (TLAB)

Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos. Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo. Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan. Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo. Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa. Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita. Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan. Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko. Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan. Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso. Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas. Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman. Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo. Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran. Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita. Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita. At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan. Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man. At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin. Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya. At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig. Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.

Mga Awit 119:21-48 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ang mga mapagmataas, iyong pinaparusahan; at iyong isinusumpa ang sa utos mo ay laban. Sa ganitong mga tao'y ilayo mo akong ganap, yamang ang iyong kautusan ay siya kong tinutupad. Kahit ako ay usigi't labanan ng pamunuan, itong iyong abang lingkod sa utos mo'y mag-aaral. Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw, siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin. Ako'y gapi't lupasay na sa bunton ng alikabok, sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. Ang aking mga gawang kamalia'y pinatawad mo, ang tuntunin mo at aral, sa lingkod mo'y ituro. Tulungang maunawaan, iyong mga kautusan, iyong kahanga-hangang gawa, lubos kong pag-aaralan. Damdam ko ba sa sarili, naghahari'y pawang lungkot; sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. Sa landas na di matuwid, huwag mo akong hahayaan, pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral. Ang pasya ko sa sarili, ako'y maging masunurin, sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling. Itong mga tuntunin mo, O Yahweh, ay sinunod ko; huwag nawang hahayaang mapahiya ang lingkod mo. Ang lahat mong mga utos, ay malugod kong susundin, dahilan sa pang-unawang ibibigay mo sa akin. Ituro mo, O Yahweh, layunin ng kautusan, at iyon ang susundin ko habang ako'y nabubuhay. Ituro mo ang batas mo't sisikapin kong masunod, buong pusong iingatan at susundin ko nang lubos. Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan, pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam. Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos. Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay. Tuparin mo ang pangakong ginawa sa iyong lingkod, ang pangako sa lahat ng sa iyo ay natatakot. Iligtas mo ang lingkod mo sa sinumang mapang-uyam, sa mabuting tuntunin mo, humahanga akong tunay! Ang lahat ng tuntunin mo, ang hangad ko'y aking sundin, pagkat ikaw ay matuwid, kaya ako'y pagpalain. Sa akin ay ipadama ang dakilang pag-ibig mo, ayon sa pangako, Yahweh, iligtas mo ako; upang yaong nanlalait sa akin ay masagot ko, yamang ako'y may tiwala sa lahat ng salita mo. Tulungan mong ihayag ang mga katotohanan, pagkat ako'y may tiwala sa tapat mong kahatulan. Lagi akong tatalima sa bigay mong kautusan, susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay. Ako nama'y mamumuhay nang payapa at malaya, yamang ako sa utos mo'y sumusunod namang kusa. At maging sa mga hari, ang utos mo'y babanggitin, hindi ako mahihiya na ito ay aking gawin. Sa pagsunod sa utos mo nalulugod akong labis, di masukat ang galak ko, pagkat aking iniibig. Mahal ko ang iyong utos, ito'y aking ginagalang, sa aral mo at tuntunin ako'y magbubulay-bulay.

Mga Awit 119:21-48 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, Na nagsisihiwalay sa iyong mga utos. Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; Sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo. Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; Nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan. Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran. At aking mga tagapayo. Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: Buhayin mo ako ayon sa iyong salita. Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: Sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa. Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: Iyong palakasin ako ayon sa iyong salita. Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: At ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan. Aking pinili ang daan ng pagtatapat: Ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko. Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan. Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, Pagka iyong pinalaki ang aking puso. Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; At aking iingatan hanggang sa wakas. Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; Sapagka't siya kong kinaaliwan. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, At huwag sa kasakiman. Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, Na ukol sa takot sa iyo. Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; Buhayin mo ako sa iyong katuwiran. Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, Sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita. Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; Sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita. At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; Sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan. Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi Magpakailan-kailan pa man. At lalakad ako sa kalayaan; Sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin. Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, At hindi ako mapapahiya. At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, Na aking iniibig. Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; At ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.