Dinggin mo ang aking mga salita, O PANGINOON, pakinggan mo ang aking panaghoy. Pakinggan mo ang tunog ng aking daing, hari ko at Diyos ko; sapagkat sa iyo ako'y nananalangin. O PANGINOON, sa umaga ang tinig ko'y iyong pinapakinggan; sa umaga'y naghahanda ako para sa iyo, at ako'y magbabantay. Sapagkat ikaw ay hindi isang Diyos na nalulugod sa kasamaan; ang kasamaan ay hindi mo kasamang naninirahan. Ang hambog ay hindi makakatayo sa iyong harapan, kinapopootan mo ang lahat ng mga gumagawa ng kasamaan. Iyong lilipulin sila na nagsasalita ng mga kasinungalingan; kinasusuklaman ng PANGINOON ang mamamatay-tao at manlilinlang. Ngunit ako, sa pamamagitan ng kasaganaan ng iyong wagas na pag-ibig, ay papasok sa iyong bahay; at sa iyo'y may takot na sasamba sa templo mong banal. Patnubayan mo ako, O PANGINOON, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; tuwirin mo ang iyong daan sa aking harapan. Sapagkat walang katotohanan sa kanilang bibig; ang kanilang puso ay pagkawasak, ang kanilang lalamunan ay isang bukas na libingan, sa pamamagitan ng kanilang dila ay nanlilinlang. O Diyos, ipapasan mo sa kanila ang kanilang pagkakasala, sa kanilang sariling mga balak ay hayaan mong mabuwal sila, dahil sa marami nilang mga pagsuway, sila'y iyong palayasin, sapagkat silang laban sa iyo ay suwail. Ngunit hayaan mong magalak ang lahat ng nanganganlong sa iyo, hayaan mo silang umawit sa kagalakan at sila nawa'y ipagsanggalang mo, upang dakilain ka ng mga umiibig sa pangalan mo. O PANGINOON, sapagkat iyong pinagpapala ang tapat, na gaya ng isang kalasag ay tinatakpan mo siya ng paglingap.
Basahin MGA AWIT 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 5:1-12
7 Days
Each of us is sure to suffer at some point in our lives. As a counselor, I’ve seen sufferers transformed. I’ve seen those once debilitated by trauma learn to suffer well. In this brief devotional, I pray that you will realize that your story is not over. You may experience suffering, but you can suffer well. You can ask, What’s next? instead of getting stuck asking, Why? You can become resilient.
21 Days
Learn how best to pray, both from the prayers of the faithful and from the words of Jesus Himself. Find encouragement to keep taking your requests to God every day, with persistence and patience. Explore examples of empty, self righteous prayers, balanced against the pure prayers of those with clean hearts. Pray constantly.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas