O PANGINOON, mga salita koʼy iyong dinggin; ang mga hinaing koʼy bigyang-pansin. Aking Diyos at Hari, ang paghingi ko ng tulong ay inyong dinggin, sapagkat sa inyo ako nananalangin. Tuwing umaga, O PANGINOON naririnig ninyo ang aking panalangin. Bawat umaga, akoʼy humihiling at umaasa sa inyong kasagutan. Kayo ay Diyos na hindi natutuwa sa kasamaan, at hindi nʼyo tinatanggap ang taong namumuhay sa kasalanan. Ang mga mapagmataas ay hindi mananatili sa inyong harapan. Ang mga taong gumagawa ng kasamaan ay inyong kinasusuklaman. Pinupuksa ninyo ang mga sinungaling. Kinasusuklaman ninyo ang mga mamamatay-tao at ang mga mandaraya. Ngunit dahil sa inyong wagas na pag-ibig, akoʼy makakapasok sa inyong tahanan. At bilang paggalang, akoʼy magpapatirapa sa inyong banal na Templo. O PANGINOON, akoʼy inyong gabayan tungo sa inyong matuwid na daan, sapagkat napakarami ng aking kalaban. Gawin nʼyong madali kong sundan ang iyong daan na nasa aking harapan. Sapagkat ang bibig ng aking mga kaaway ay hindi mapagkakatiwalaan, ang puso nilaʼy puno ng kapahamakan. Katulad ng bukas na libingan ang kanilang lalamunan; Pawang salitang mapanlinlang ang kanilang binibitawan. O Diyos, panagutin nʼyo po sila. Nawaʼy ipahamak sila ng sarili nilang mga plano. Itakwil ninyo sila dahil sa dami ng kanilang pagkakasala, sapagkat kayoʼy sinusuway nila. Ngunit magalak nawa ang lahat ng nanganganlong sa inyo; magsiawit nawa sila nang may kagalakan. Ingatan nʼyo sila na nagmamahal sa inyo, upang silaʼy mapuno ng kagalakan. Pinagpapala nʼyo PANGINOON ang mga matuwid. Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasag na nag-iingat sa kanila.
Basahin Salmo 5
Makinig sa Salmo 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 5:1-12
7 Days
Each of us is sure to suffer at some point in our lives. As a counselor, I’ve seen sufferers transformed. I’ve seen those once debilitated by trauma learn to suffer well. In this brief devotional, I pray that you will realize that your story is not over. You may experience suffering, but you can suffer well. You can ask, What’s next? instead of getting stuck asking, Why? You can become resilient.
21 Days
Learn how best to pray, both from the prayers of the faithful and from the words of Jesus Himself. Find encouragement to keep taking your requests to God every day, with persistence and patience. Explore examples of empty, self righteous prayers, balanced against the pure prayers of those with clean hearts. Pray constantly.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas