ISAIAS 66:12-14
ISAIAS 66:12-14 ABTAG01
Sapagkat ganito ang sabi ng PANGINOON: “Narito, ako'y magbibigay ng kapayapaan sa kanya na parang isang ilog, at ng kaluwalhatian ng mga bansa ay parang umaapaw na batis; at inyong sususuhin; kayo'y kakalungin sa kanyang balakang, at lilibangin sa kanyang mga tuhod. Gaya ng inaaliw ng kanyang ina, gayon ko aaliwin kayo; kayo'y aaliwin sa Jerusalem. Inyong makikita, at magagalak ang inyong puso; ang inyong mga buto ay giginhawang gaya ng sariwang damo; at malalaman na ang kamay ng PANGINOON ay nasa kanyang mga lingkod, at ang kanyang galit ay laban sa kanyang mga kaaway.





