Isaias 66:12-14
Isaias 66:12-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sabi ni Yahweh: “Padadalhan kita ng walang katapusang kasaganaan. Ang kayamanan ng ibang bansa ay aagos patungo sa iyo tulad ng umaapaw na ilog. Ang makakatulad mo'y sanggol na buong pagmamahal na inaaruga ng kanyang ina. Aaliwin kita sa Jerusalem, tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak. Ikaw ay magagalak kapag nakita mo ang lahat ng ito; ikaw ay lalakas at lulusog. Sa gayon, malalaman mong akong si Yahweh ang tumutulong sa mga sumusunod sa akin; at siya ring nagpaparusa sa mga kaaway.”
Isaias 66:12-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sapagkat sinasabi ng PANGINOON, “Pauunlarin ko ang Jerusalem at itoʼy magiging payapa. Dadalhin ko sa kanya ang kayamanan ng mga bansa na parang umaapaw na daluyan ng tubig. Kayoʼy matutulad sa isang sanggol na aalagaan, hahawakan, pasususuhin, at kakalungin ng kanyang ina. Aaliwin ko kayo doon sa Jerusalem, katulad ng isang inang umaaliw sa kanyang anak.” Kapag itoʼy nakita ninyong ginagawa ko na, magagalak kayo, at lalago na parang sariwang tanim. Ipapakita ng PANGINOON ang kanyang kapangyarihan sa kanyang mga lingkod, ngunit ipapakita niya ang kanyang galit sa kanyang mga kaaway.
Isaias 66:12-14 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y maggagawad ng kapayapaan sa kaniya na parang isang ilog, at ang kaluwalhatian ng mga bansa ay parang malaking baha, at inyong sususuhin yaon; kayo'y kikilikin, at lilibangin sa mga tuhod. Kung paanong ang sinoma'y inaaliw ng ina gayon ko aaliwin kayo; at kayo'y mangaaliw sa Jerusalem. At inyong makikita, at magagalak ang inyong puso, at ang inyong mga buto ay giginhawang parang sariwang damo: at ang kamay ng Panginoon ay makikilala sa kaniyang mga lingkod, at siya'y magagalit laban sa kaniyang mga kaaway.
Isaias 66:12-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sabi ni Yahweh: “Padadalhan kita ng walang katapusang kasaganaan. Ang kayamanan ng ibang bansa ay aagos patungo sa iyo tulad ng umaapaw na ilog. Ang makakatulad mo'y sanggol na buong pagmamahal na inaaruga ng kanyang ina. Aaliwin kita sa Jerusalem, tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak. Ikaw ay magagalak kapag nakita mo ang lahat ng ito; ikaw ay lalakas at lulusog. Sa gayon, malalaman mong akong si Yahweh ang tumutulong sa mga sumusunod sa akin; at siya ring nagpaparusa sa mga kaaway.”
Isaias 66:12-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)