Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

GENESIS 49:8-12

GENESIS 49:8-12 ABTAG01

Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid; ang iyong kamay ay malagay sa leeg ng iyong mga kaaway; ang mga anak ng iyong ama nawa ay yumukod sa harapan mo. Si Juda'y isang anak ng leon. Aking anak, ikaw ay umahon mula sa pagkahuli, siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon; at gaya ng isang babaing leon, sinong makakagising sa kanya? Ang setro ay hindi mahihiwalay kay Juda, ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kanyang mga paa, hanggang sa ang Shilo ay dumating; at ang pagtalima ng mga bayan sa kanya. Itinali ang kanyang batang asno sa puno ng ubas, at ang guya ng kanyang asno sa piling puno ng ubas; nilabhan niya ang kanyang suot sa alak, at ang kanyang damit sa dugo ng ubas. Ang kanyang mga mata ay namumula sa alak, at ang kanyang mga ngipin ay namumuti sa gatas.