Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA GAWA 2:24-28

MGA GAWA 2:24-28 ABTAG01

Ngunit siya'y muling binuhay ng Diyos, pagkatapos palayain sa mga hirap ng kamatayan, sapagkat hindi maaaring siya'y mapigilan nito. Sapagkat sinasabi ni David tungkol sa kanya, ‘Nakita ko ang Panginoon na laging kasama ko, sapagkat siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong matinag; kaya't nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila; gayundin ang aking katawan ay mananatiling may pag-asa. Sapagkat hindi mo hahayaan ang kaluluwa ko sa Hades, ni ipahihintulot man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan. Ipinaalam mo sa akin ang mga daan ng buhay; pupuspusin mo ako ng kagalakan sa iyong harapan.’