Mga Gawa 2:24-28
Mga Gawa 2:24-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos at hinango sa kapangyarihan ng kamatayan, sapagkat hindi siya kayang ikulong nito, gaya ng sinabi ni David tungkol sa kanya, ‘Alam kong kasama ko ang Panginoon sa tuwina, hindi ako matitinag sapagkat kapiling ko siya. Kaya't ako'y nagdiriwang, puso at diwa'y nagagalak, gayundin naman ako'y mabubuhay nang may pag-asa. Sapagkat hindi mo ako pababayaan sa daigdig ng mga patay; at hindi mo pahihintulutang mabulok ang iyong Banal na Lingkod. Itinuro mo sa akin ang mga landas upang ako'y mabuhay, dahil sa ikaw ang kasama ko, ako'y mapupuno ng kagalakan.’
Mga Gawa 2:24-28 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit pinalaya siya ng Diyos sa pagdurusa at muling binuhay, dahil ang totoo, kahit ang gapos ng kamatayan ay hindi siya kayang pigilan. Ito ang sinabi ni David patungkol sa kanya: ‘Alam kong ang Panginoon ay palagi kong kasama at hindi niya ako pinapabayaan, kaya hindi ako nangangamba. Kaya ang puso koʼy nagagalak, at hindi mapigil ang aking pagpupuri sa Diyos. At ang katawan koʼy mahihimlay na may pag-asa. Sapagkat alam ko pong hindi nʼyo ako pababayaan sa mundo ng mga patay. Hindi nʼyo rin hahayaang mabulok ang inyong Banal na Lingkod. Itinuro nʼyo sa akin ang landas patungo sa buhay, at dahil kayo ay palagi kong kasama, lubos ang aking kaligayahan.’
Mga Gawa 2:24-28 Ang Biblia (TLAB)
Na siya'y binuhay na maguli ng Dios, pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagka't hindi maaari na siya'y mapigilan nito. Sapagka't sinasabi ni David tungkol sa kaniya, Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan; Sapagka't siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos: Dahil dito'y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila; Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa: Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan. Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay; Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha.
Mga Gawa 2:24-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos at hinango sa kapangyarihan ng kamatayan, sapagkat hindi siya kayang ikulong nito, gaya ng sinabi ni David tungkol sa kanya, ‘Alam kong kasama ko ang Panginoon sa tuwina, hindi ako matitinag sapagkat kapiling ko siya. Kaya't ako'y nagdiriwang, puso at diwa'y nagagalak, gayundin naman ako'y mabubuhay nang may pag-asa. Sapagkat hindi mo ako pababayaan sa daigdig ng mga patay; at hindi mo pahihintulutang mabulok ang iyong Banal na Lingkod. Itinuro mo sa akin ang mga landas upang ako'y mabuhay, dahil sa ikaw ang kasama ko, ako'y mapupuno ng kagalakan.’
Mga Gawa 2:24-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)