Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA TAGA TESALONICA 1:2-5

I MGA TAGA TESALONICA 1:2-5 ABTAG01

Nagpapasalamat kaming lagi sa Diyos dahil sa inyong lahat na tuwina'y binabanggit namin kayo sa aming mga panalangin. Aming inaalala sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawang mula sa pananampalataya, pagpapagal sa pag-ibig at katatagan ng pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo; yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Diyos, ang pagkahirang sa inyo. Sapagkat ang aming ebanghelyo ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din at sa Espiritu Santo at sa lubos na pagtitiwala, kung paanong nalalaman ninyo kung anong pagkatao ang aming pinatunayan sa inyo alang-alang sa inyo.