1 Mga Taga-Tesalonica 1:2-5
1 Mga Taga-Tesalonica 1:2-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin. Binabanggit namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong mga gawaing bunga ng inyong pananampalataya, ang inyong mga pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Mga kapatid, nalalaman namin na kayo'y pinili ng Diyos na nagmamahal sa inyo. Ang Magandang Balitang lubos naming pinaniniwalaan ay ipinahayag namin sa inyo hindi lamang sa pamamagitan ng salita, kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Nakita ninyo kung paano kami namuhay sa inyong piling; ito ay ginawa namin alang-alang sa inyo.
1 Mga Taga-Tesalonica 1:2-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa inyong lahat at palagi namin kayong binabanggit sa aming mga panalangin. Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa na bunga ng pananampalataya, ang pagpapagal ninyong mula sa pag-ibig, at ang inyong pagtitiis na mula sa inyong pag-asa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Mga kapatid na minamahal ng Diyos, alam naming pinili niya kayo para sa kanya, dahil noong ipinahayag namin ang Magandang Balita sa inyo, ang Diyos ay nangusap sa inyo hindi lang sa pamamagitan ng aming mga salita kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, kalakip ang lubos na katiyakan na ang aming sinasabi ay totoo. Alam ninyo kung paano kami namuhay noong kasama namin kayo at lahat ng ginawa namin ay para sa kapakanan ninyo.
1 Mga Taga-Tesalonica 1:2-5 Ang Biblia (TLAB)
Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat, na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin; Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo; Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, ang pagkahirang sa inyo, Kung paanong ang aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at sa lubos na katiwasayan; na gaya ng inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo.
1 Mga Taga-Tesalonica 1:2-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin. Binabanggit namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong mga gawaing bunga ng inyong pananampalataya, ang inyong mga pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Mga kapatid, nalalaman namin na kayo'y pinili ng Diyos na nagmamahal sa inyo. Ang Magandang Balitang lubos naming pinaniniwalaan ay ipinahayag namin sa inyo hindi lamang sa pamamagitan ng salita, kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Nakita ninyo kung paano kami namuhay sa inyong piling; ito ay ginawa namin alang-alang sa inyo.
1 Mga Taga-Tesalonica 1:2-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)