Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Taga-Tesalonica 1:2-5

1 Mga Taga-Tesalonica 1:2-5 ASD

Palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa inyong lahat at palagi namin kayong binabanggit sa aming mga panalangin. Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa na bunga ng pananampalataya, ang pagpapagal ninyong mula sa pag-ibig, at ang inyong pagtitiis na mula sa inyong pag-asa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Mga kapatid na minamahal ng Diyos, alam naming pinili niya kayo para sa kanya, dahil noong ipinahayag namin ang Magandang Balita sa inyo, ang Diyos ay nangusap sa inyo hindi lang sa pamamagitan ng aming mga salita kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, kalakip ang lubos na katiyakan na ang aming sinasabi ay totoo. Alam ninyo kung paano kami namuhay noong kasama namin kayo at lahat ng ginawa namin ay para sa kapakanan ninyo.