Salmo 91:9-16
Salmo 91:9-16 ASD
Dahil ginawa mong kanlungan ang PANGINOON, ang Kataas-taasang Diyos na aking tagapagtanggol, walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan. Sapagkat uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel na ingatan ka saan ka man magpunta. Bubuhatin ka nila upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato. Tatapakan mo ang mga leon at mga makamandag na ahas. Sinabi ng Diyos, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin. Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya. Sasamahan ko siya, sa oras ng kaguluhan. Ililigtas ko siya at pararangalan. Bibigyan ko siya ng mahabang buhay at ipararanas ko sa kanya ang aking pagliligtas.”




