Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 91:9-16 - Compare All Versions

Mga Awit 91:9-16 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan. Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan. Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan. Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis. Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin. Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”

Mga Awit 91:9-16 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Dahil ginawa mong kanlungan ang PANGINOON, ang Kataas-taasang Diyos na aking tagapagtanggol, walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan. Sapagkat uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel na ingatan ka saan ka man magpunta. Bubuhatin ka nila upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato. Tatapakan mo ang mga leon at mga makamandag na ahas. Sinabi ng Diyos, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin. Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya. Sasamahan ko siya, sa oras ng kaguluhan. Ililigtas ko siya at pararangalan. Bibigyan ko siya ng mahabang buhay at ipararanas ko sa kanya ang aking pagliligtas.”

Mga Awit 91:9-16 TLAB (Ang Biblia)

Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan; Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda. Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa. Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko. Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya. Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.

Mga Awit 91:9-16 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan. Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan. Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan. Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis. Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin. Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”

Mga Awit 91:9-16 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan; Walang kasamaang mangyayari sa iyo, Ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda. Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, Upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: Ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa. Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: Aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko. Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; Ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: Aking ililigtas siya, at pararangalan siya. Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, At ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.