Salmo 23:1-6
Salmo 23:1-6 ASD
Ang PANGINOON ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman. Pinagpapahinga niya ako sa malagong damuhan, inaakay niya ako patungo sa tahimik na batisan. Binibigyan niya ako ng panibagong kalakasan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang siyaʼy aking maparangalan. Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, hindi ako matatakot dahil kayoʼy aking kasama. Ang inyong pamalo at tungkod ang sa akiʼy umaaliw. Ipinaghahanda nʼyo ako ng piging sa harap ng aking mga kaaway. Pinapahiran nʼyo ng langis ang aking ulo. At hindi nauubusan ng laman ang aking inuman. Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo ay mapapasaakin habang akoʼy nabubuhay. At akoʼy maninirahan sa inyong tahanan, aking PANGINOON, magpakailanman.










